774 total views
Kapanalig, mulat ba tayo sa sitwasyon ng ating impormal na sektor?
Ang impormal na sektor ay binubuo ng mga independent at maliliit na negosyante na gumagawa at naglalako ng produkto at serbisyo. Karaniwang walang social protection ang mga informal workers, at marami sa kanila, ay nasa mga bulnerableng uri ng trabaho.
Base sa 2008 Informal Sector Survey ng NSO, nasa 10.5 milyon ang informal sector operators. Two-thirds ng sektor ay lalake at 75% naman naman ng mga informal sector workers ay edad 35 pataas. Lumabas naman sa 2013 Labor Force Survey ng NSO, 16.088 million na ang informal sector workers, o 42.53% ng working population ng bansa. Hindi rin matatawaran ang pagiging produktibo ng sektor na ito dahil mga 45% ng ating GDP ay nagmumula sa informal sector. Ang sektor na ito ang nagiging takbuhan din ng marami nating mga kababayan na walang trabaho. Sa laki ng tulong na inaalay ng sektor, paano ba natin ito mapangangalagaan?
Kapanalig, ang mga informal businesses ay maliit lamang, at syempre maliit din ang kita. Kaya nga’t marami pa rin sa informal sector workers ang nasa ilalim ng poverty line. Marami sa kanila, nairaraos lamang ang pang-araw araw na pangangailangan.
Isa pang isyu na kanilang hinaharap ay ang mababang membership ng mga workers sa mga social insurance systems. Maliit lamang kasi ang kita, kaya mahirap na mabawasan pa ito. Kaya pag nagkasakit, hindi sila makakakuha ng mga benepisyo gaya ng karaniwang empleyado.
Marami rin sa mga informal sector workers ang hindi pwedeng lumiban ng kahit isang araw sa trabaho. Kumbaga, no work no pay. Ang isang araw na kawalan ng kita ay isang araw din ng gutom. Dahil dito, limitado rin ang options nila o pagkakataon para sa paglilinang ng kasanayan na maaring tumulong sa pagsulong ng kanilang enterprises.
Isa sa pangunahing paraan upang mapangalagaan ang sektor ay pag-o-organisa. Dumami man ang mga organisasyon ng mga informal sector workers, maliit pa rin ito kumpara sa dami ng kanilang kabuuang bilang. Isa pang paraan ay ang pagpapalawig ng reach o sakop ng social protection sa kanilang hanay. Ito kasi ang makakapagbigay sa kanila ng safety nets sakaling may mga hindi inaasahang pangyayari na makaka-apekto sa kanilang negosyo. Ang access to finance din ay isang mahalagang tulong upang masustain o mapalago ng mga informal sector operators at workers ang kanilang kabuhayan.
Ang mga kataga ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium ay maaring pagnilayan ng ating kasalukuyang pamahalaan, at lalo na ng darating na bagong liderato upang mas maayos nilang maharap ang mga isyu ng sektor. Payo ng ating mahal na Papa, humingi tayo ng inspirasyon mula sa Diyos upang mapabuti ang kapakanan ng lahat: “It is vital that government leaders and financial leaders take heed and broaden their horizons, working to ensure that all citizens have dignified work, education and healthcare. Why not turn to God and ask him to inspire their plans? I am firmly convinced that openness to the transcendent can bring about a new political and economic mindset which would help to break down the wall of separation between the economy and the common good of society.