In Mindanao, our truest wealth is our people-Bishop Rapadas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,055 total views

Ipinahayag ni Iligan Bishop Jose Rapadas III na ang tunay na kayamanan ng Mindanao ay ang mga mamamayan nito, ang mga taong ipinagkatiwala ng Diyos upang paglingkuran at pangalagaan ng Simbahan.

Ito ang naging mensahe ng obispo sa opening Mass ng 18th Mindanao-Sulu Pastoral Conference (MSPC) na ginanap sa St. Michael the Archangel Cathedral Parish sa Iligan City noong October 20.

“In Mindanao, our truest wealth is our people. They are the treasures God entrusts to us. Let us store not grains, but graces. Stories of formed young leaders, reconciled families, and transformed communities,” pahayag ni Bishop Rapadas.

Binigyang-diin ng obispo na ang MSPC ay higit pa sa isang pagtitipon ng mga diyosesis; ito ay isang pagdiriwang ng biyaya at pagkakaisa ng mga simbahan sa Mindanao.

Aniya, ito rin ay isang panahon ng pakikinig, pagbabagong-loob, at pagtutulungan tungo sa iisang misyon.

“A synodal church travels light so we can walk together. The church exists to evangelize, not to hoard, but to move. In a Synodal Church, no one merely watches or supervises but everyone walks together,” dagdag ng obispo.

Hamon pa ni Bishop Rapadas sa mga delegado na paigtingin ang pakikilakbay sa lahat ng sektor ng lipunan lalo na sa mga kabataan, mahihirap, at mga sugatan sa pananampalataya upang matuklasan ang tunay na kalooban ng Diyos sa pagkakaisa.

“Our goal is not to build larger barns but to set larger tables. Tables of peace, dialogue, and fellowship. Let our parishes model openness through consultative processes and shared leadership mirroring the Eucharistic table: open, inclusive, and life-giving,” ani pa ng obispo.

Malugod niyang tinanggap ang mga delegado mula sa 22 ecclesiastical territories sa buong Mindanao.

“Hosting the MSPC here in Iligan is a historic milestone. This is our first, after 50 years,” ayon kay Bishop Rapadas.

Ang Mindanao-Sulu Pastoral Conference ay unang itinatag noong Nobyembre 1971 bilang pagtitipon ng Simbahang Katolika sa Mindanao at Sulu upang magkaisa sa pagtugon sa mga usapin ng kapayapaan, katarungan, at kultura sa rehiyon.

Ginaganap tuwing tatlong taon, ang MSPC ang nagsisilbing forum ng mga obispo, pari, relihiyoso, at mga layko upang pagplanuhan ang mga pastoral na hakbang para sa kabutihan ng mga pamayanang Kristiyano sa Mindanao at Sulu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 170,408 total views

 170,408 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 192,518 total views

 192,518 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 264,877 total views

 264,877 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 255,197 total views

 255,197 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top