SALN, hindi garantiya ng katapatan ng isang opisyal ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,092 total views

Hindi garantiya ng katapatan o kawalan ng korapsyon ang pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ito ang binigyang-diin ni dating Civil Service Commission (CSC) Chairperson Ricardo Saludo sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, kung saan ipinaliwanag niyang layunin ng SALN na makita ang pagbabago sa yaman ng isang opisyal.

Gayunman, nilinaw ng dating opisyal ng CSC na hindi nito agad pinatutunayan ang katapatan o integridad ng isang lingkod-bayan.

Ayon kay Saludo, maraming tiwaling opisyal ang nakaiiwas sa pananagutan sa pamamagitan ng pagtatago ng kanilang ill-gotten wealth sa pangalan ng mga kamag-anak, kaibigan, o mga pinagkakatiwalaang tao.

“Puwedeng gumawa ng paraan para itago ang yaman. Ilalagay sa pangalan ng mga kamag-anak, mga kaibigan, [o] mga tauhan. At iyan po ang nangyayari. Mayroon pa ngang mga tinatawag na ‘bagman,’ at ang mga ‘bagman’ ay walang SALN,” paliwanag ni Saludo.

Ikinumpara rin niya ang ganitong sistema sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan umano lumitaw ang mga “crony” na ginagamit para itago ang yaman ng mga makapangyarihan.

“Tama po na magkaroon tayo ng SALN at ipakita ito. Pero alam po natin na gagawa at gagawa ng paraan ang mga tiwali para maitago ang kanilang nililikom na salang yaman,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ni Saludo na may mga panganib sa labis na pagbubunyag ng SALN, dahil maaari itong magamit sa masamang paraan tulad ng kidnapping o pangingikil. Kaya, aniya, kailangang balansehin ang transparency at seguridad ng mga impormasyon.

Sa halip, ipinunto ni Saludo na mas epektibong labanan ang korapsyon kung mahuhuli ang mga tiwaling opisyal habang gumagawa pa lamang ng katiwalian—hindi kapag lumitaw na ito sa kanilang SALN.

“Madalas ay nahuhuli lang natin kapag bilyon-bilyon na ang nawawala. Dapat pagtuunan natin ng pansin ang preventive measures at maagang imbestigasyon,” giit ni Saludo.

co-author Lorenzo Maño

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 10,075 total views

 10,075 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 60,759 total views

 60,759 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 66,888 total views

 66,888 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 96,679 total views

 96,679 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 115,230 total views

 115,230 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top