PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,321 total reads

Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay hindi nawawala ang dignidad at pagiging anak ng Diyos ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ito iginiit ng Obispo kaugnay sa paggunita ng 38th Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon kay Bishop Florencio, sa kabila ng kanilang mga pagkakamali o kasalanang nagawa sa buhay ay hindi pa rin mai-aalis ang kanilang dignidad bilang tao.

“Hindi po nawawala ang kanilang dignidad bilang mga tao. Siguro, nagkasala sila, pinarusahan sila, pero hindi sila nawawalan ng kanilang pagkaanak ng Diyos. They are still children of God,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Sa mensahe ng Obispo para sa pagdiriwang ng 38th Prison Awareness Week, binigyang-diin nito na ang Linggo ng Kamulatan para sa mga PDLs ay isang pagkakataon upang ipaalala sa lahat na ang mga bilanggo ay nananatiling kapatid sa pananampalataya ng bawat isa na karapat-dapat para sa pag-ibig, kalinga, at awa ng Diyos.

Hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na patuloy na makiisa sa Simbahan sa pagbibigay ng tulong, pagdalaw, at panalangin para sa mga nasa piitan, na madalas ay nalilimutan o hinuhusgahan ng lipunan.

“Ang tingin ng Simbahan, sila rin po ay mga taong nangangailangan ng tulong. Kung hindi natin tutulungan, baka wala ring tutulong sa atin… Tulung-tulong tayo sa pagmamahal at pagtulong sa ating mga kapatid na nasa bilangguan,” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Ayon sa prison ministry ng CBCP, layunin ng Prison Awareness Week na mapukaw ang kamalayan ng mga mananampalataya sa kalagayan ng mga PDLs at mapagtanto na ang tunay na katarungan ay hindi lamang nakakamit sa pamamagitan ng pagpaparusa kundi sa pagbibigay din ng pag-asa at pagbabalik-dangal sa mga nakagawa ng pagkakasala.

Sa temang “Our Merciful God Proclaims Hope for Us Sinners and Restores Dignity for the Persons Deprived of Liberty!”, muling ipinapaalala ng Simbahan na ang awa ng Diyos ay walang hanggan at ang bawat taong nagkasala ay tinatawagan pa rin sa pagbabagong-loob at pag-asa na hatid ng Panginoon.

Nakatakdang gunitain ngayong taon ang 38th Prison Awareness Sunday sa ika-26 ng Oktubre, 2025 kung saan taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Week o linggo upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,382 total reads

 84,382 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,534 total reads

 118,534 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,834 total reads

 153,834 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,103 total reads

 380,103 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,030 total reads

 269,030 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top