Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 366 total views

Maraming mga Filipino ang hindi pa kumpiyansa magpabakuna sa ating bansa. Ayon sa isang survey ng Social Weather Stations noong Mayo 2021, tatlo sa sampung Filipino lamang ang “willing” o payag magpa-bakuna. Ang pangunahing rason kung bakit ayaw ng marami ay takot sa maaring maging side effects nito.

Ang tugon ng ating pangulo sa isyung ito ay ang pagbabanta ng pag-aresto sa mga mamamayang hindi magpapakuna.

Nauunawaan natin ang matinding pagnanais ng pangulo na mabakanuhan ang mga Filipino upang tuluyan ng matapos ang pandemyang ito. Ngunit may ibang paraan, maliban sa pananakot at parusa, upang mapasunod ang mga mamamayan. Ayon nga sa Quadregisimo Anno, “The function of the rulers of the State is to watch over the community and its parts… and protect individuals and their rights.

Unang-una, maari pa nating paigtingin ang mga information dissemination ukol sa bakuna sa mga komunidad upang mas maraming mga mamamayan ang maka-alam ukol sa benepisyo nito. Sa halip na paikutin ang mga kapitan upang magbanta ng pag-aaresto kapag hindi magpakuna, maari silang paikutin upang makapagbigay ng impormasyon ukol iba’t ibang uri ng bakuna na available sa bansa. Makakatulong din ito sa rehistrasyon ng mga mamamayan  – maari sila mismo ang mag-skedyul ng bakuna para sa tao dahil hindi naman lahat ay may internet para sa online vaccine registration.

Maari ring makipag-partner sa mga pribadong sektor at LGUs upang mas marami ang maabot ng vaccination program ng pamahalaan. Maaring sa tulong ng mga private at public groups, maabot ng pamahalaan ang mga miyembro ng impormal na sektor, gaya ng mga tindera sa palengke o mga naglalako sa kalye  na hindi makakaliban ng trabaho para sa bakuna.

Ilan lamang ito sa mga alternatibo na maaring subukan ng pamahalaan para mabakunahan ang mas maraming mga mamamayan. Hindi mainam na solusyon kahit kailan ang pananakot pa sa mga mamamayang takot na – sa halip na makatulong, lalo pa itong makakagulo. Maayos na ang daloy ng pagbabakuna ng mga mamamayan sa mga LGUs, kailangan na lamang, matulungan sila sa suplay ng bakuna at pagyakag sa mga tao. Kailangan ng mga tao ngayon, insentibo at tulong, hindi parusa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 36,572 total views

 36,572 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 59,404 total views

 59,404 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 83,804 total views

 83,804 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 102,686 total views

 102,686 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 122,429 total views

 122,429 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 36,573 total views

 36,573 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 59,405 total views

 59,405 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 83,805 total views

 83,805 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 102,687 total views

 102,687 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 122,430 total views

 122,430 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 135,320 total views

 135,320 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 152,152 total views

 152,152 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 162,009 total views

 162,009 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 189,824 total views

 189,824 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 194,840 total views

 194,840 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »
Scroll to Top