Interfaith prayer, isasagawa sa isang taong anibersaryo ng Marawi Siege

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

Isang taon makaraan ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at teroristang grupo na Maute-Isis, isang interfaith prayer ang isasagawa sa Marawi City sa ika-23 ng Mayo bilang pagkilala at pag-alaala sa mga nasawi.

Ang pagtitipon ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña ay inorganisa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na dadaluhan ng mga mga residente ng lungsod, Kristyano man at mga Muslim.

“We will give fitting tribute to all those who lost their lives… some of those who offered their lives so that we could be free we could enjoy our freedom now,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Isasagawa ang pagdiriwang sa Marawi provincial gymnasium, alas-9 ng umaga na inaasahang dadaluhan ni Peace Process Secretary Jesus Dureza.

Si Bishop Dela Peña ang siyang magiging kinatawan ng mga kristiyano para pangunahan ang panalangin para sa mga yumao.

Bukod sa Parochial Vicar na si Fr. Chito Soganub, apat manggagawa ng St. Mary’s Cathedral ang dinukot ng mga terorista kung saan ang dalawa sa mga ito ang nasawi sa digmaan.

Sa higit 1,000 katao na nasawi sa limang buwang digmaan, higit sa dalawang daan katao ay pawang mga pulis, sundalo at mga sibilyan.

May 2017 nang salakayin ng mga terorista ang Islamic City ng Marawi na ang pangunahing sinira ay ang St. Mary’s Cathedral.

Higit sa 300 libo katao o buong populasyon ng lungsod ang nagsilikas dahil sa kaguluhan na ang ilan ay hanggang ngayo’y naninirahan sa mga transitional houses na inilaan ng pamahalaan at sa kanilang mga kamag-anak sa karatig lalawigan.

Una na ring binigyan diin ni Pope Francis sa kaniyang mga mensahe na kailan man ay hindi makatwiran ang digmaan at karahasan dahil sa dulot nito ay kamatayan at pagkasira ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,052 total reads

 47,052 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,832 total reads

 126,832 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,279 total reads

 160,279 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,577 total reads

 195,577 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,304 total reads

 420,304 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top