VeritasPH

The Word, The Truth

Ipagdasal ang mga may pasanin sa kaisipan

SHARE THE TRUTH

 204 total views

Mga Kapanalig, wala nang mas nakagagaan ng loob sa pangako ni Hesus sa atin sa Mateo 11:28 nang sabihin niyang “lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.” Ito rin ang mga salitang binanggit ni Pope Francis sa panawagan niyang ipanalangin ang mga nakararanas ng depresyon. Hindi maikakailang humantong sa matinding pagsubok sa mentál na kalusugan at emosyonal na katatagan ang pandemya at ang mga naging epekto nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao.

Sa panahon ng krisis o anumang hindi magandang pangyayari, normal sa taong makaramdam ng kalungkutan, pag-aalala, at pagkatakot. Nagiging problema ito kung nakasasagabal o nakaapekto na ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao sa loob ng mahabang panahon. Hindi katulad ng pisikal na kapansanan, hindi madaling makita ang mental illness. Hindi madaling malaman sa unang tingin na nakararanas ang isang tao ng depression o matinding pagkalungkot, ng anxiety o labis na pagkabalisa’t pagkatakot, o ng trauma mula sa isang hindi magandang karanasan o pangyayari. Mayroon ding may mga suicidal behavior o nag-iisip magpatiwakal at ang nakalulungkot at nakababahala ay kung talagang itinutuloy nila ito. Hindi agad malalaman kung ang isang tao ba ay may matinding pinagdaraanan, kaya naman maling hindi sila pagtuunan ng pansin at i-invalidate o hindi paniwalaan ang kanilang kalagayan.

Base sa datos ng World Health Organization (o WHO) noong 2017, pangatlo sa pinakakaraniwang kapansanan ng mga Pilipino ang sakit sa pag-iisip. May humigit-kumulang anim na milyong Pilipino ang may depression at/o anxiety. Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (o PSA), hindi bababa sa 4,000 ang namatay dahil sa intentional self-harm noong 2020. Kapansin-pansin din para sa National Center for Mental Health ang pagdami ng mga tawag sa kanilang hotline na may kinalaman sa pagpapakamatay. Sa halos 9,000 tawag na natanggap nila sa unang anim na buwan ng 2021, nasa 28% o halos 3,000 ang may kaugnayan sa pagpapakamatay.

Dahil sa nakababahalang datos na ito, napapanahon ang panawagan at paanyaya ng Santo Papa ngayong buwan ng Nobyembre na samahan siyang ipagdasal ang mga taong may depresyon. Aniya, nagiging dahilan ang sobrang pagtatrabahong nagdudulot ng stress o burnout upang makaranas ang marami ng labis at matinding pagkapagod. Sa dami at mabilis na pagdaan ng mga kaganapan sa buhay ng tao—matatanda man o kabataan—hindi maiwasang makaramdam ang marami sa atin ng kalungkutan, kawalang-interes sa iba’t ibang bagay, at pagkapagod.

Mahalagang paalala rin ito sa bawat isa sa ating maging mahabagin, maging maunawain, at matutong ilagay ang sarili sa kalagayan ng iba. Pagmamahal, suporta, pag-unawa, at pagtanggap ang kailangan ng mga taong nasa mahirap at mabigat na sitwasyon. Bawat isa sa atin ay may mga labang hindi natin nakikita. Kailangan namang tapatan ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtiyak na abot-kaya at madaling ma-access ang mga psychological counselling, gamot, psychotherapy, at mga online consultations, lalo na ngayong marami ring nagigipit.

Mga Kapanalig, nawa’y maging bahagi tayo sa pagpapakatotoo ng kaharian ng Diyos kung saan ang mga may pinapasan sa kanilang mga isip ay “makahanap ng suporta at liwanag na magbubukas sa kanila sa buhay.” Matingkad sa mga panlipunang turo ng Simbahang may taglay na likas na dignidad ang bawat tao anuman ang kanyang mentál at pisikal na kakayahang kailangang kinikilala at itinataguyod. Gaya nga ng mensahe ni Pope Benedict XVI para sa World Day of the Sick noong 2006, may tungkulin at pananagutan ang bawat Kristiyanong mag-ambag upang ang pangangailangan ng mga maysakit ay natutugunan at ang kanilang dignidad ay iginagalang at isinusulong.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,920 total views

 11,920 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,965 total views

 19,965 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 25,045 total views

 25,045 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,752 total views

 30,752 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,540 total views

 39,540 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 11,921 total views

 11,921 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 19,966 total views

 19,966 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 25,046 total views

 25,046 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,753 total views

 30,753 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,541 total views

 39,541 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,674 total views

 40,674 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,988 total views

 54,988 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,678 total views

 58,678 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,281 total views

 57,281 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,268 total views

 67,268 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,236 total views

 71,236 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,123 total views

 82,123 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,562 total views

 94,562 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,320 total views

 105,320 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,573 total views

 52,573 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top