Ipagpatuloy ang laban kontra katiwalian, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,439 total views

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng Pilipino na ipagpatuloy ang laban kontra katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan bilang tunay na pagpupugay sa mga nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bansa.

Ang National Heroes Day, na ginugunita tuwing huling Lunes ng Agosto, ay itinatag upang parangalan ang lahat ng Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. Hindi lamang ito para sa mga kilalang bayani kundi pati sa mga karaniwang Pilipinong tahimik na nagsakripisyo.

“Bilang Pilipino may pananagutan tayo sa ating bansa, na maging mas mapanuri sa mga mali na isiwalat ang panloloko at panindigan ang alam nating tama kahit hindi ito madali. Ito rin ay pagkakataon upang gisingin ang kamalayan ng Kabataan tungkol sa kanilang tungkulin sa bayan,” ayon sa mensahe ng Pangulo.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, hindi dapat ipagwalang-bahala ang maliliit na panlilinlang dahil unti-unti nitong sinisira ang lipunan.

Tiniyak din ni Pangulong Marcos na pananagutin ng pamahalaan ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian, at hindi na muli papayagang maulit ang kawalan ng malasakit sa bayan.

“At sa hangaring ito, ito ang pangako ng inyong pamahalaan. Hindi namin kayo iiwan. Pananagutin naming ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian ilalabas natin ng buo at pawang katotohanan at titiyakin nating hindi na mauulit ang kawalan ng respeto at malakasakit sa taong bayan,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang pagkilala naman ng Pangulo ang mga makabagong bayani—mga magsasaka, mangingisda, guro, healthcare worker, at mga manggagawa—na patuloy na nagsasakripisyo para sa bansa sa kabila ng mga hamon.

Binanggit din ng pangulo sa kanyang mensahe ang tungkulin ng lipunan na ihanda ang kabataan upang maging mapanuri at handang ipagtanggol ang kalayaan.

Ayon pa sa pangulo, kung hindi sila mahuhubog, ipinagkakanulo natin ang sakripisyo ng ating mga bayani at pati ang kinabukasan ng bayan.

Sinabi naman ni Speaker Martin Romualdez na ang kabayanihan ay hindi natatapos sa nakaraan, kundi makikita ito sa katauhan ng mga sundalo, guro, manggagamot, at karaniwang mamamayan na ginagampanan ang tungkulin sa bayan.

“Heroism did not end in the past. It lives on in our soldiers, teachers, health workers, and ordinary citizens who put duty before comfort,” ayon sa pinuno ng Kamara.

Ipinunto rin ni Romualdez na bawat henerasyon ay may hamon sa pagiging bayani, kabilang ang paglaban sa kahirapan, pagpapatibay ng demokrasya, at pagtatanggol sa bansa sa harap ng mga bagong pagsubok sa lipunan.

“Each generation is called to be heroic in its own way. For us today, it means uniting to confront poverty, strengthen our democracy and defend our sovereignty in the face of new challenges,” ayon pa kay Romualdez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 187,523 total views

 187,523 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 209,633 total views

 209,633 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 281,194 total views

 281,194 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 270,155 total views

 270,155 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top