Diocesan Worship Ministry, binuo ng Diocese of Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,496 total reads

Paiigtingin ng Diocese of Cubao ang paglilingkod sa mananampalataya, partikular sa larangan ng pagsamba at liturhiya.

Sa ginanap na Cubao Worship Animators Congress noong August 23 sa Quezon City, opisyal na binuo ng diyosesis ang Diocesan Worship Ministry, isang konsultatibo at koordinatibong lupon sa ilalim ng pamumuno ng obispo.

Ayon sa pahayag ng Diocesan Ministry for Liturgical Affairs, “It supports the bishop in matters related to the sacred liturgy, sacramental life, devotional practices, sacred art and architecture, and liturgical formation.”

Bilang tugon sa panawagang “Unity in Worship” ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., ang dating Diocesan Ministry for Liturgical Affairs ay pinalawak at magiging Diocesan Ministry for Worship, na binubuo ng anim na pangunahing komisyon.

 

Anim na Komisyon

1. Commission on Lay Liturgical Ministries (Commission Head: David Emmanuel Glover, Members: John Dave Chavez at Beth Valera)
Saklaw nito ang Extraordinary Ministers of Holy Communion, Greeters and Collectors Ministry, Lectors and Commentators Ministry, Ministry of Altar Servers, Mothers Butler Guild, at Music Ministry.

Layunin nitong bumuo at ipatupad ang formation programs para sa mga layko na naglilingkod sa simbahan.

 

2. Commission on Devotions and Popular Piety (Commission Head: Fr. Victor William Garcia, Members: Fr. Michell Joe Zerrudo at Jose Enver Campo.)

Tutok sa pagbibigay ng theological and pastoral guidance sa mga debosyon at popular religious practices at titiyakin ang pagsunod sa tamang liturhiya, at itataguyod ang tunay na debosyon ayon sa turo ng Simbahang Katolika at mga pamantayan ng Directory on Popular Piety and the Liturgy.
Kabilang dito ang Apostleship of Prayer, Adoracion Nocturna Filipina, Confraternities, Legion of Mary, Tarcisian Adorers, at iba pang kahalintulad na grupo.

 

3. Commission on the Liturgical Formation of the Faithful (Commission Head: Bro. Rundolph Bayaua, OblOSB, Members: Fr. Dennis Soriano, Fr. Aristeo Sison Jr., at Arah Jodelle Jamandra)

Itinatag ang komisyon bilang tugon sa Desiderio Desideravi ni Pope Francis kung saan pangunahing gawain ang magplano ng liturgical catechesis programs para sa mga layko; bumuo ng catechetical resources ukol sa liturgical year, mga sakramento, at mga ritwal ng simbahan; at isulong ang liturgical spirituality lalo na sa pagdalo sa Eukaristiya tuwing Linggo.

 

4. Commission on Shrines (Commission Head: Fr. Victor Angelo Parlan, Members: Randy Calsena at Jan Vincent Yu)

Sisiguruhin ang pagsunod ng mga shrine ministries sa Code of Canon Law at Liturgical Requirements at layuning magsuri at magrekomenda ng mga simbahan o lugar na maaaring italagang diocesan o national shrine; magbigay ng espiritwal, pastoral, liturhikal, at kultural na gabay; at magsulong ng mga dambana bilang sentro ng ebanghelisasyon at pagkakaisa.

 

5. Commission on Liturgical Architecture, Arts, and Spaces (Commission Head: Fr. Ronald Roberto, Members: Fr. Marti Sandino Espenido, Architect Roy de Guzman, Architect Ma. Esperanza Valencia, at Marimel Bautista)

Tututok ang komisyon sa pagsasaayos at pagtatayo ng mga simbahan, kapilya, at mga imahen alinsunod sa liturgical norms, at pagsusulong ng sacred architecture.

 

6. Commission on Rites and the Office of the Master for Liturgical Ceremonies (Commission Head: Fr. Ronald Roberto, Members: John Dave Chavez, Luke Adrian Luzano, at Miguel Lorenzo Lagtapon)

Pangunahing Gawain ng komisyon ang pangasiwaan ang mga liturhiya ng diyosesis, kabilang ang mga misang pangungunahan ng obispo.

Sa pagbubuo ng mga komisyong ito, layunin ng Diocese of Cubao na higit pang pagtibayin ang pagsamba, debosyon, at liturhikal na paglago ng mga mananampalataya. Ang mga bagong istrukturang ito ay nakatuon hindi lamang sa pagsunod sa batas ng simbahan, kundi lalo na sa pagpapalalim ng pananampalataya at paglilingkod sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,878 total reads

 17,878 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,648 total reads

 55,648 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,859 total reads

 73,859 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,187 total reads

 158,187 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,705 total reads

 194,705 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,330 total reads

 2,330 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top