Ipagpatuloy ang laban kontra katiwalian, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,678 total reads

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng Pilipino na ipagpatuloy ang laban kontra katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan bilang tunay na pagpupugay sa mga nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bansa.

Ang National Heroes Day, na ginugunita tuwing huling Lunes ng Agosto, ay itinatag upang parangalan ang lahat ng Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. Hindi lamang ito para sa mga kilalang bayani kundi pati sa mga karaniwang Pilipinong tahimik na nagsakripisyo.

“Bilang Pilipino may pananagutan tayo sa ating bansa, na maging mas mapanuri sa mga mali na isiwalat ang panloloko at panindigan ang alam nating tama kahit hindi ito madali. Ito rin ay pagkakataon upang gisingin ang kamalayan ng Kabataan tungkol sa kanilang tungkulin sa bayan,” ayon sa mensahe ng Pangulo.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, hindi dapat ipagwalang-bahala ang maliliit na panlilinlang dahil unti-unti nitong sinisira ang lipunan.

Tiniyak din ni Pangulong Marcos na pananagutin ng pamahalaan ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian, at hindi na muli papayagang maulit ang kawalan ng malasakit sa bayan.

“At sa hangaring ito, ito ang pangako ng inyong pamahalaan. Hindi namin kayo iiwan. Pananagutin naming ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian ilalabas natin ng buo at pawang katotohanan at titiyakin nating hindi na mauulit ang kawalan ng respeto at malakasakit sa taong bayan,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang pagkilala naman ng Pangulo ang mga makabagong bayani—mga magsasaka, mangingisda, guro, healthcare worker, at mga manggagawa—na patuloy na nagsasakripisyo para sa bansa sa kabila ng mga hamon.

Binanggit din ng pangulo sa kanyang mensahe ang tungkulin ng lipunan na ihanda ang kabataan upang maging mapanuri at handang ipagtanggol ang kalayaan.

Ayon pa sa pangulo, kung hindi sila mahuhubog, ipinagkakanulo natin ang sakripisyo ng ating mga bayani at pati ang kinabukasan ng bayan.

Sinabi naman ni Speaker Martin Romualdez na ang kabayanihan ay hindi natatapos sa nakaraan, kundi makikita ito sa katauhan ng mga sundalo, guro, manggagamot, at karaniwang mamamayan na ginagampanan ang tungkulin sa bayan.

“Heroism did not end in the past. It lives on in our soldiers, teachers, health workers, and ordinary citizens who put duty before comfort,” ayon sa pinuno ng Kamara.

Ipinunto rin ni Romualdez na bawat henerasyon ay may hamon sa pagiging bayani, kabilang ang paglaban sa kahirapan, pagpapatibay ng demokrasya, at pagtatanggol sa bansa sa harap ng mga bagong pagsubok sa lipunan.

“Each generation is called to be heroic in its own way. For us today, it means uniting to confront poverty, strengthen our democracy and defend our sovereignty in the face of new challenges,” ayon pa kay Romualdez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,163 total reads

 41,163 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,171 total reads

 121,171 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,618 total reads

 154,618 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,917 total reads

 189,917 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,889 total reads

 414,889 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,543 total reads

 15,543 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top