Ipakita sa 2019 election ang pagkadismaya sa administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 287 total views

Ngayon pa lamang ay dapat nang suriin ng publiko ang mga nais na tumakbo sa 2019 National Elections.

Ayon kay Dinky Soliman, dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Aquino Administration, ito ay para ipakita ng publiko ang hindi pagkakuntento sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado si Soliman na sa kasalukuyan ay hindi maisasakatuparan sakali mang isulong ang pagpapatalsik sa pangulo sa pamamagitan ng ‘impeachment’ dahil mga kaalyado nito ang mga Kongresista.

“Hindi po ‘yun mangyayari sa ngayon. Meron tayong eleksyon sa 2019 palitan po natin ang House of Representatives, maglagay tayo ng mga taong maaring manindigan hindi matatakot at susunod sa kagustuhan ng mamamayan may posibilidad na magtagumpay ang impeachment,” ayon kay Soliman.

Giit ni Soliman, mahalaga ang halalan sa susunod na taon at hindi na dapat pang mahalal ang mga kaalyadong mambabatas ng kasalukuyang administrasyon.

“Malaking pagkakataon para ipakita na ang mamamayan ay hindi na sumusuporta sa mga pambabastos, pang-aapi, panloloko, sa pagsisinungaling ng pangulong Duterte,” dagdag pa ng dating kalihim.

Sa taong 2019 nakatakda muling maghalal ang 56 na milyong botante ng 12 senador, at higit sa 300 bilang ng mga mambababatas sa Mababang Kapulungan.

Dagdag pa ni Soliman, ang halalan sa 2019 ay isang malaking pagkakataon para ipakita na ang mamamayan ay tutol sa mga pambabastos, kawalang katarungan, tiraniya ng kasalukuyang administrasyon.

Kumpiyansa din si Soliman na malaking bahagi na ng 16 na milyong bumoto sa Pangulo ang nagsisi sa kanilang pagsuporta lalu’t hindi napatunayan ng Pangulong Duterte ang kanyang pangakong pagbabago para sa bayan.

Noong 2015 sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas, sinabi nito sa harap ng mga kawani at opisyal ng gobyerno sa Malacanang ang kaniyang panawagan na sikaping bigyang diin ng bawat isa ang malasakit sa kapwa, paggalang sa karapatang pantao at pagkilala sa kasagraduhan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 172,317 total views

 172,316 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 194,427 total views

 194,427 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 266,664 total views

 266,664 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 256,841 total views

 256,841 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top