Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipalaganap ang kabutihan ng pananampalatayang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

 497 total views

Hinimok ng obispo ng Diyosesis ng Borongan ang mga magulang at mamamayan na patuloy ibahagi ang biyaya ng pananampalataya.

Ito ang bahagi ng liham pastoral ng diyosesis sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity sa Pilipinas ngayong taong 2021.

Ayon kay Bishop Crispin Varquez, malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang upang maipaabot sa susunod na henerasyon ang mga turo ng pananampalatayang kristiyano.

“I specifically encourage and thank parents who take it upon themselves to teach and transmit the beauty and the truth of our Catholic faith to their children. You are doing a very admirable mission. I encourage you to continue,” ayon sa liham pastoral ni Bishop Varquez.

Iginiit ng obispo na bagamat maraming pamamaraan sa paghahayag ng mabuting balita tulad ng internet ay mas mahalagang maging saksi ng katotohanan na naibabahagi ng personal sa paggawa ng mabuti sa kapwa.

Puspusan ang paghahanda ng diyosesis sa 500YOC dahil naging bahagi ang Homonhon island sa Guian Eastern Samar sa makasaysayang pagdating ng Kristiyanismo makaraang dumaong ang grupo ni Ferdinand Magellan sa isla noong Marso 16, 1521.

Sinalubong ang mga espanyol ng mga ninuno ng Samar at malugod na tinanggap ang mga misyonerong kasama ng grupo.

Hinimok ni Bishop Varquez ang bawat isa na maging matatag sa pagpapalago ng pananampalataya sa kabila ng iba’t-ibang hamong kinakaharap.

“May I urge you to remain in your firm conviction; I thank the priests and religious men and women, our GKKs in our chapels, our religious organizations, renewal movements, confradias and our lay faithful who are very creative and passionate in transmitting the treasures of our Catholic faith.”paanyaya ng Obispo

Dalangin ng obispo na maging mabunga ang paggunita sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa kung saan pinalawig ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga gawain dahil sa mga limitasyong dulot ng pandemya.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 2,979 total views

 2,979 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,430 total views

 36,430 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,047 total views

 57,047 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,715 total views

 68,715 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,548 total views

 89,548 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top