Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

SHARE THE TRUTH

 68,821 total views

Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa naman sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Hiramin natin ang quote ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David “Lets do the math” Kapanalig… batay sa opisyal na 2026 General Appropriations Act o GAA 2026, ang kabuuang pondo ng Office of the President at mga tanggapang nasa ilalim nito ay 10,476,038,000-trilyong piso.

Sa nasabing pondo ng OP sa taong 2026 ay official institutional budget pa lamang, hindi pa kasali ang mga komisyon, shares sa pondo ng mga unprogram appropriations, emergency funds at iba pa.

Kapanalig, ang Senate of the Philippines na binubuo ng 24-Senador ay may kabuuang budget na 8,571,988,000 bilyong piso sa GAA 2026.

Mapapabuntong-hininga ka Kapanalig, ang pondo ng isang Senador ngayong 2026 ay 357,166,166-bilyong piso lang naman. Biruin mo: nasa 29.76-milyong piso kada buwan ang budget ng isang Senador at halos isang milyong piso bawat araw ang kanyang lulustaying pondo. Grabe di ba? Bukod pa diyan ang bilyong piso ding komisyon at kickbacks.
Ang House of the Representatives naman na binubuo ng 316 na miyembro ay mayroong 72,702,099 bilyong pisong pondo sa 2026 GAA. Kada buwan, ang isang kongresista ay mayroong 30,069,933-pisong pondo.

Wala pa sa kickbacks ang share sa MAIFIP, TUPAD, AICS, AKAP, intelligence fund at iba’t-ibang proyekto. Nakakalungkot ang katotohanan Kapanalig para isang bansang kulang at binabaha ang mga silid-aralan, kulang ang mga higaan sa mga pagamutan, lubog sa utang ang mga magsasaka at mangingisda, 186-milyong Pilipino ang walang trabaho. Sa pag-aaral ng International Labour Organization(ILO), ngayong 2026..aabot sa 284-milyong manggagawang Pilipino ang patuloy na mamumuhay sa extreme poverty. Habang ang mga Senador at Kongresista ay milyong piso kada araw ang nilulustay na pondo mula sa buwis na ibinabayad nating mga Pilipino.

Sinasabi ng mga mambabatas ang 2026 GAA ay ang pinaka-malinis na national budget. Pero sinasabi naman ng mga oposisyon na ang GAA 2026 ay punong-puno ng pork barrel. Naisingit sa 2026 GAA ang 243-bilyong pisong unprogrammed appropriations. Natigil man ang 545-bilyong pisong korapsyon sa flood control projects ng pamahalaan sa 2025 GAA? Mayroon na namang raket ang mga mambabatas at office of the President sa GAA 2026, pinalitan lang ng pangalan, pero ang sistema ay katulad pa rin.

May pag-asa pa ba tayong hinaharap Kapanalig? Umaasa pa ba tayong masusupil ang katiwalian sa pamahalaan kung ang mismong namumuno at gumagawa ng batas ang pasimuno sa maling gawain?

Kapanalig, huwag nating gawing kultura na ang maling gawain ay OKEY lang. Kumilos ka naman!

Isabuhay natin ang sinasabi ng Catechism of the Catholic Church “273 By “putting away falsehood,” they are to “put away all malice and all guile and insincerity and envy and all slander.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 68,822 total views

 68,822 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 89,726 total views

 89,726 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 92,891 total views

 92,891 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 111,231 total views

 111,231 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 129,515 total views

 129,515 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

BAD ECONOMICS

 89,730 total views

 89,730 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 92,894 total views

 92,894 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 111,234 total views

 111,234 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 129,518 total views

 129,518 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 283,230 total views

 283,230 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 327,665 total views

 327,665 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 279,269 total views

 279,269 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 278,970 total views

 278,970 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 284,745 total views

 284,745 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 280,163 total views

 280,163 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »
Scroll to Top