Obispo sa Kongreso: Ang tunay na pinuno, nagpapagaan ng pasanin ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,409 total reads

Mamuno hindi lamang gamit ang talino at kakayahan kundi nang may pagmamahal sa nasasakupang pinaglilingkuran.

Ito ang panawagan ni Tarlac Bishop-emeritus Florentino Cinense sa mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa misang ginanap sa House of Representatives.

Ayon sa obispo, ang tunay na pamumuno ay nasusukat sa kakayahang magbuhat ng kapwa at magpagaan ng pasanin ng mamamayan.

“Let us strive to be leaders who listen with empathy before we speak with authority, act with urgency when we see suffering, and lead with a heart for service that transcends party lines,” ayon sa homiliya ni Bishop Cinense.

Dagdag pa ng obispo, “May your hands always be open to give, your minds always sharp to solve, and your hearts always soft enough to care.”

Giit pa ni Bishop Cinense, ang iiwanang pamana ng mga lider ay hindi ang titulo o posisyon, kundi ang mga buhay na kanilang napabuti.

Ipinunto rin ng obispo na ang mga bayani ng bansa ay nag-alay ng buhay hindi para sa interes ng partido o apelyido, kundi para sa isang Pilipinas na makatarungan, malaya at may dignidad.

Ang banal na misa ay dinaluhan ng ilang mambabatas na pinangungunahan ni House Speaker Faustino Dy III at bahagi ng lingguhang Spiritual and Values Enhancement Formation Program ng Mababang Kapulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 124,154 total reads

 124,154 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,483 total reads

 157,483 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,627 total reads

 189,627 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,690 total reads

 255,690 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 266,933 total reads

 266,933 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top