EDSA KWARENTA: Simbahan at mga Paaralang Katoliko, iginiit na ang demokrasya ay dapat na ipinaglalaban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,111 total views

Sa nalalapit na paggunita ng bansa ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, muling pinaalalahanan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catholic Education (CBCP_ECCE) ang sambayanang Pilipino na ang demokrasya ay hindi kusang nananatili, kundi ito ay patuloy na ipinaglalaban.

Sa inilabas na magkasanib na pahayag, binalikan ng Simbahan ang makasaysayang pagtitipon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) kung saan milyun-milyong Pilipino ang nagkaisa sa panalangin, pananampalataya, at paninindigan upang wakasan ang diktadura.

“Forty years later, the lessons of EDSA remain urgent. Democracy is never self-sustaining. It demands vigilance, active participation, and fidelity to truth. Governance must be anchored in accountability, respect for human rights, transparency, and service to the common good,” ayon sa nagkakaisang pahayag ng CEAP at CBCP-ECCE.

Inalala rin ang mahalagang papel ng Radio Veritas na tumawag sa konsensiya ng bayan, ang moral na pamumuno ni Cardinal Jaime Sin at ng CBCP, at ang desisyon ng mga repormistang sundalo na piliin ang Konstitusyon kaysa sa rehimen.

“We remember the voice of Radio Veritas calling the nation to conscience, the moral leadership of Cardinal Jaime Sin and the CBCP, and the decisive stand of reformist soldiers who chose loyalty to the Constitution over allegiance to a regime. EDSA was a “Rosary miracle,” a triumph of peaceful resistance over dictatorship, and a defining moment when ordinary citizens and families, religious leaders, members of civil society, students, and youth leaders stood between tanks and violence, armed with a collective will,” ayon sa pahayag.

Tinawag ang EDSA bilang isang “Rosary miracle,” isang tagumpay ng mapayapang paglaban sa karahasan at pang-aapi, kung saan karaniwang mamamayan—mga pamilya, kabataan, relihiyoso, at lider ng civil society—ang humarang sa mga tangke, tangan lamang ang lakas ng nagkakaisang bayan.

Binalaan din ang publiko na ang paglimot sa mga aral ng Batas Militar, ang pagpapabaya sa katiwalian, at ang paglaganap ng historical distortion at disinformation ay tuwirang nagbabanta sa mga kalayaang mapayapang ipinaglaban ng sambayanan.

February 25-bilang academic holiday

Bilang bahagi ng paggunita, nanawagan ang CEAP at CBCP-ECCE sa lahat ng Katolikong paaralan at institusyong pang-edukasyon na ideklara ang Pebrero 25 bilang academic holiday para sa pagninilay, pag-alala, at paghubog ng kamalayang sibiko. Hinikayat ang pagdaraos ng mga banal na misa, youth forums, at mga talakayan ukol sa pagtatanggol sa katotohanan at katarungan.

Iginiit na ang kabataan, bilang tagapagmana ng demokratikong espasyo, ay kailangang linangin ang kaalaman, pagpapahalaga, at lakas ng loob upang labanan ang inhustisya, maling impormasyon, at mga tendensiyang awtoritaryan. Kasabay nito, hinikayat ang civil society at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao na ipagpatuloy ang pagbabantay sa kalayaang sibil, at ang media na ipagtanggol ang press freedom at makatotohanang pamamahayag bilang pananggalang laban sa abuso ng kapangyarihan.

Nanawagan din ang Simbahan sa militar at pulisya na manatiling tapat sa kanilang tungkuling konstitusyonal na protektahan ang mamamayan at ang batas; sa sektor ng negosyo na isulong ang etikal at transparent na pamumuhunan; at sa mga pamilya at pamayanan na ituro sa susunod na henerasyon ang mga pagpapahalaga ng pagkakaisa, di-karahasan, at makabuluhang pakikilahok.

Hinimok din ang Kongreso at Senado na kumilos laban sa political dynasties, wakasan ang malawakang katiwalian, at palakasin ang people empowerment sa pamamagitan ng matatag na pamumuhunan sa edukasyon.

Ayon pa sa pahayag, “EDSA is not only a commemoration, it is an unfinished movement that demands vigilance, active participation, and collective resolve from all sectors. To honor it authentically is to combat revisionism, defend democratic principles, and build a nation where justice, dignity, and peace are lived realities.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 59,209 total views

 59,209 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,823 total views

 133,823 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,902 total views

 213,902 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 257,041 total views

 257,041 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,616 total views

 254,616 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top