11,796 total views
Umapela ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa international community na itigil ang pag-atake sa mga humanitarian aid workers sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Iginiit ng ICRC na tumutugon lamang ang mga humanitarian workers sa pangangailangan ng mga indibidwal, higit na ang mga inosenteng naiipit o naapektuhan ng anumang gulo sa kanilang bansa.
Ayon pa kay ICRC President Mirjana Spoljaric, bukod sa mga sibilyan na naiipit sa gulo ay pinapalala din ng patuloy na pag-atake ang kalagayan ng mga sibilyan na naapektuhan ng gulo.
“Attacks that harm or kill civilians, including humanitarian workers and medical personnel, have become tragically frequent in armed conflicts, it is unacceptable that civilians—or those dedicated to helping them—should face such danger. Whenever humanitarians are attacked, civilians also suffer the consequences, as aid efforts are hindered by the worsening security conditions,” ayon sa mensahe ni Spoljaric na ipindala ng ICRC-Philippines sa Radio Veritas.
Kasabay nito ay ipinarating din ng opisyal ng ICRC ang taos-pusong pasasalamat para sa mga humanitarian workers sa buong mundo.
Ito ay dahil sa kanilang patuloy na pagbibigay prayoridad upang matulungan ang mga inosentend apekto ng digmaan bago ang kanilang buhay.
Una ng itinalaga ng United Nations at ICRC ang 2023 bilang ‘Worst Year for humanitarian aid workers’ dahil sa patuloy na pag-atake at pagkamatay ng mga volunteer habang rumeresponde sa pangangailangan ng mga apektado ng digmaan sa Russia, Ukraine, Israel at Palestine.