Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

SHARE THE TRUTH

 89,494 total views

Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional politicians sila, kundi dahil sa maruming pamamaraan nila ng pagsuyo sa mga botante. Binabastos nila ang mga babae.

Isa sa mga kandidatong ito ay isang abogadong tumatakbo sa pagkakongresista sa Pasig City. Nakatanggap na siya ng show cause orders mula sa Commission on Elections (o Comelec) dahil sa dalawang beses na pambabastos sa kababaihan. Sa unang pagkakataon, biniro niya ang solo mothers na kung may buwanang dalaw pa raw sila at nalulungkot, puntahan lamang daw siya para makipagsiping. Magpalista lang daw ang mga interesadong solo mothers. Kitang-kita sa video na nag-viral online ang tawanan ng mga kapartido ng kandidato at ng mga nanunuod sa kampanya; siguro may mga kinilabutan din.

Agad itong binatikos ng mga women’s groups at advocates. Minamaliit daw ng mga ganitong biro ang pinagdaraanan ng mga solo mothers. Nagsampa ng reklamo ang Gabriela, isang grupo ng kababaihan, sa Korte Suprema ukol dito. Hinimok ng Gabriela ang Mataas na Hukuman na pag-aralan at aksyunan ang nangyari. Giit ng grupo, unethical ang naging biro ng kandidato at maituturing iyong paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability ng Korte Suprema sa mga abogado.

Kasunod nito, sa isa na namang campaign event, dinipensehan ng kandidato ang kanyang unang biro. Tinawag niya ang isang babaeng dati raw niyang staff. Nagkomento siya sa timbang ng babae at ginamit ito para pabulaanang “manyak” siya. Kukuha raw ba siya ng tauhang ganoon ang itsura? Sa pangawalang pagkakataon, hindi pa rin nakita ng abogado na porma ng pambabastos sa kababaihan ang magbigay-komento sa kanilang katawan at pagturing sa kanila bilang mga bagay na pwedeng gamiting tampulan ng biro.

Katulad ng kandidato sa Pasig, nagbigay din ng malisyosong komento sa kababaihan ang isang tumatakbo sa pagkagobernador. Pangalawang termino na niya kung sakali. Aniya, tanging magagandang nursing students lamang daw ang bahagi ng scholarship program ng kanyang opisina. Hindi raw kasi makatutulong sa kundisyon ng mga pasyente kung hindi maganda ang kanilang nars. Binatikos din ng marami, kasama ang Philippine Nurses Association, ang biro ng gobernador.

Ayon sa Genesis 2:18, “Sinabi ng Panginoong Diyos, hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa, kaya ilalalang ko siya ng katuwang.” Nilikha niya ang babae at lalaki nang may pantay na dignidad. Magkaiba ngunit kapwa nilikha sa imahe ng Diyos. Walang isang nakahihigit sa isa. Nilikha ang mga babae bilang katuwang. Katulad ng paalala ni St. John Paul II sa Catholic social teaching na Mulieris Dignitatem, ang kababaihan ay hindi mga “bagay” na maaaring “pagharian” at “angkinin” ng kalalakihan. Sila ay may dignidad. Ang pagyurak sa dignidad na ito ay tahasang pambabastos sa Diyos na lumikha at pinagmumulan ng dangal na ito.

Dahil dito, walang lugar dapat sa ating mga pambulikong espasyo, lalo na sa pamamahala at pulitika, ang mga bastos na kandidato at lingkod-bayan. Hindi dapat tinatawanan ang mga birong batay sa hitsura at kasarian. Salamin ng ating mga paghahalaga ang mga birong katanggap-tanggap sa atin. Higit sa lahat, hindi dapat ibinoboto ang mga kandidatong walang paggalang sa kababaihan sapagkat salamin din ng ating mga prinsipyo ang ating mga iniluluklok.

Mga Kapanalig, sa dami ng isyung kinakaharap ng ating bayan, katulad ng kahirapan at kagutuman, napakaraming bagay ang dapat pag-usapan sa kampanya. Gamitin natin ang pagkakataong ito upang kilalanin at kilatisin ang mga kandidato at upang humanap ng mga lider na tunay na magsusulong ng kaunlaran. Sitahin natin ang mga kandidato at lider na ginagamit ang kanilang boses para mambastos, lalo na sa mga babae.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 3,472 total views

 3,472 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,920 total views

 15,920 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 51,094 total views

 51,094 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 58,485 total views

 58,485 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 59,460 total views

 59,460 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 3,473 total views

 3,473 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,921 total views

 15,921 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

PH JOB CRISIS

 51,095 total views

 51,095 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 58,486 total views

 58,486 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top