Napapanahon nang alisin ng Pilipinas at iba pang bansa sa mundo ang pagiging dependent sa coal at fossil fuels.
Ikinababahala ni Atty. Avril de Torres, head of Research, Policy and Law Program ng Center for Energy, Ecology and Development o CEED ang ulat ng Charity Christian Aid sa katatapos lamang na COP26 sa Glasgow Scotland na maraming mga bansa daranas ng kahirapan kapag hindi natugunan ang suliranin sa climate change.
Sa COP26 report ng Charity Christian Aid, nanganganib ang 65 mahihirap na bansa kabilang ang Pilipinas na mabawasan ng 20-porsiyento ang gross domestic product o GDP kung hindi mabawasan ng 64-percent ang pagiging dependent ng mga bansa sa coal at fossil fuels sa loob ng 30-taon.
Umaasa si de Torres na maging babala ang findings sa mga pinuno ng Pilipinas na ihinto ang mga plano na palawakin pa ang pagiging dependence ng bansa sa coal, gas at iba pang fossil fuels para sa tinatawag na economic development.
“Our own leaders in the Philippines should also look to the findings in this report as a glaring reminder that their plans to sustain and expand our dependence on coal, gas, and other fossil fuels, allegedly for the sake of economic development, is no development at all,” pahayag ng abagado sa Radio Veritas.
Pinangangambahan ni de Torres ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas kung saan maaring bumaba ng higit sa 18% ang GDP sa oras na hindi matugunan ang suliranin sa climate change,
“The report warns the Philippines of a -18.2% GDP change by 2050 under current climate policies, and offers even worse predictions for other nations. The numbers are horrifying, and yet they are merely an addition to an already vast pool of evidence that climate-vulnerable nations who contributed the least to global greenhouse gas emissions suffer the worst climate change impacts. We, in fact, do not even need to look to decades from now to understand that the climate crisis locks our people in continued poverty and places our very survival in peril – the super typhoons, droughts, floods, and other calamities that plague us yearly attest to this,” ayon pa sa abogado.
Nanawagan naman ang opisyal ng CEED sa mga mayayamang bansa na siya ring ‘TOP POLLUTING COUNTRIES’ na magkaroon ng pananagutan at inisyatibo upang iwaksi at baguhin ang mga maruruming pamamaraang patuloy na sumisira sa mundo.
Unang nanawagan ng pananalangin ang Kaniyang Kabanalang Francisco para sa ikatatagumpay ng mga isinagawang talakayan sa COP26 na dinaluhan ng mga world leaders at mga delegado upang talakayin ang mga suliranin at usaping pang-kalikasan na kinakaharap ng ibat-ibang bansa.






