Ituring ang kapwa bilang kapatid sa iisang Ama at Ina-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,532 total reads

Ipalaganap ang mapagligtas na kilos ni Hesus, talikdan na ang unang krimen na pagpatay.

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Misa ng Bayang Pilipino sa pagsisimula ng 2-day Philippine Conference on New Evangelization o PCNE 7.

Sa pagninilay ng Arsobispo, ipinaliwanag niya na ang krimen ng pagpatay ang sumira sa kapatiran ng magkapatid na sina Cain at Abel at ito rin ang s’yang naipapasa at patuloy na sumisira sa pagkakapatiran at kapwa ng bawat isa.

“Mga kapatid, ang unang krimen na nakasulat sa bibliya ay pagpatay na ginawa ng kapatid. Ang unang krimen ay ang pagsira ng kapatiran kapatid ang pumapatay sa kapatid. Parang hindi sila nanggaling sa iisang ina at yan ay ipinamana nang ipinamana,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Tema ng PCNE 7 ngayong taon ay ang ‘Sino ang aking Kapwa? (Luke 10:29).

Ayon kay Cardinal Tagle, dapat nang matigil ang paglaganap ng krimen na ito at kilalanin ang kapwa bilang mga kapatid sa iisang ina na si Maria.

“Sa paanan ng krus ni Hesus, bumukal ang bagong pamilya. Pamilya na hindi na lamang nakabatay sa dugo, kun’di sa kalooban ni Hesus na tayo’y magturingan na magkakapatid sa iisang Diyos Ama at ngayon sa Kan’yang ina. Ang nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito ay aking ina, kapatid na lalaki, kapatid na babae. Sa ilalim ng patnubay ng ating iisang Ama matuklasan nawa natin muli ang kapatiran, ang pagiging kapwa. At sa mahal na Ina, ang ina, makilala natin na ang bawat isa bilang kapatid sa iisang pamilya,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Sa huli, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na isalalay sa Mahal na Ina hindi lamang ang patuloy na pagsasagawa ng PCNE kun’di pati na rin ang paghahanap ng mundo sa tunay na kapatiran at pagkakapwa tao.

Ika-28 ng Enero sinimulan ang ika-7 taon ng Philippine Conference on New Evangelization sa Smart Araneta Coliseum, na dinaluhan ng humigit kumulang 10-libong mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 35,692 total reads

 35,692 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 116,065 total reads

 116,065 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 149,513 total reads

 149,513 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 184,812 total reads

 184,812 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 409,990 total reads

 409,990 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,370 total reads

 37,370 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,260 total reads

 30,260 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top