Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Ituring ang lahat na kapwa kalakbay sa landas ng buhay.”

SHARE THE TRUTH

 1,491 total views

Ito ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang tunay na diwa ng synodality na kasalukuyang tinataguyod ng Simbahang Katolika sa pangunguna ng Santo Papa Francisco.

Ito ang pagninilay ni Bishop David sa pagsisimula ng ‘Pitong Araw na Pananalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano’ o Week of Prayer for Christian Unity 2023 noong ika-16 ng Enero, 2023.

Binigyang diin ng Obispo ang pagturing sa bawat isa bilang kapwa tao na kasamang naninirahan sa iisang tahanan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, pananampalataya at pinagmulan.

“Ito ang diwa ng prinsipyo ng synodality na kasalukuyang tinataguyod ni Pope Francis, ang ituring ang lahat bilang kapwa, bilang kalakbay sa landas ng buhay, hindi lang kapwa Katoliko kundi bawat kapwa Kristiyano, hindi lang bawat kapwa Kristiyano kundi bawat kapwa mananampalataya, hindi lang bawat kapwa mananampalataya kundi bawat kapwa tao, at hindi lang bawat kapwa tao kundi bawat kapwa nilalang na kasamang naninirahan sa daigdig na ito na iisang tahanan nating lahat,” pagninilay ni Bishop David.

Ipinaliwanag ni Bishop David na dapat magsilbing huwaran ng bawat isa ang buong puso, isip at kaluluwa na pag-ibig ng Diyos sa bawat nilalang gaya ng kanyang sarili.

“Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat ng buong puso, buong isip, buong kaluluwa, bakit? Kasi ganyan tayong inibig ng Diyos ng buong puso, buong isip at kaluluwa. Ibigin mo ang kapwa ng gaya ng sarili, bakit? Kasi inibig tayo ng Diyos gaya ng kanyang sarili, kasi hindi tayo iba sa Diyos itinuring niya rin tayong kapwa,” dagdag pa ni Bishop David.

Tema ng Week of Prayer for Christian Unity 2023 o Pitong Araw na Pananalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano na nagsimula noong ika-16 ng Enero, 2023 ang “Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti; pairalin ang katarungan.” na hango sa Isaiah 1:17.

Unang binigyang-diin ng Santo Papa Francisco na ang usapin ng kapayapaan at pagkakaisa ay dapat na gawing prayoridad maging sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananampalataya ng bawat isa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 71,151 total views

 71,151 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 103,146 total views

 103,146 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,938 total views

 147,938 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,905 total views

 170,905 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,303 total views

 186,303 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,829 total views

 9,829 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,246 total views

 60,246 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 37,837 total views

 37,837 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,776 total views

 44,776 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,231 total views

 54,231 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top