Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahalagahan ng pagbabakuna laban sa sakit, iginiit ng DOH

SHARE THE TRUTH

 1,221 total views

Muling ipinaliwanag ng Department of Health ang malaking ambag at kahalagahan ng pagpapabakuna kasabay ng pagtugon sa mga malalang karamdaman lalo na ang coronavirus disease.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director IV Dr. Alethea de Guzman, higit na mahalaga ang pamamahagi ng bakuna sa mamamayan dahil nagagawa nitong mapababa ang negatibong epekto ng COVID-19 sa katawan.

Sinabi ni de Guzman na mahalaga ring ipabatid sa lahat ang kahandaan dahil sa naibibigay na karagdagang proteksyon ng bakuna laban sa vaccine-preventable diseases, food and water-borne diseases, gayundin sa mga patuloy na lumalabas na karamdaman.

“We survived and lived through the pandemic because of our individual contributions and this is not the time to forget them. Mahalagang maalala natin ang value ng ating layers of protection lalong-lalo na ang ating vaccines, not just for COVID-19, but for other diseases as well kaya let us get ourselves vaccinated,” pahayag ni de Guzman.

Nauna nang pinaalalahanan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Health Care Commission executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, ang publiko na paigtingin pa ang pagsusulong at pagtangkilik sa bakuna laban sa coronavirus disease.

Patuloy na nakikipagtulungan ang simbahan sa pamahalaan sa pamamahagi ng bakuna gayundin ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mabuting maidudulot nito sa katawan laban sa nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, aabot na sa halos 74-milyong indibidwal ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine, habang higit 21 milyong naman ang nakatanggap na ng booster shots.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,469 total views

 88,469 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,244 total views

 96,244 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,424 total views

 104,424 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 119,921 total views

 119,921 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,864 total views

 123,864 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,968 total views

 2,968 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 4,416 total views

 4,416 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top