Iwasang magkalat ng basura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 622 total reads

Hinimok ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mamamayan na makiisa sa kampanya ng pamahalaan upang mabawasan ang mga basura at maisaayos ang pagtatapon nito.

Ayon kay Cimatu sa pamamagitan ng tamang pangangasiwa sa mga kalat ay maiiwasan ang pagbara ng basura sa mga kanal na nagiging sanhi ng matinding pagbaha sa Metro Manila.

Giit ni Cimatu, bagamat tungkulin ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng responsableng “waste segregation” sa ilalim ng R.A. No. 9003 o Solid Waste Management Act of 2000, ay may tungkulin din ang bawat mamamayan na ayusin ang pagtatapon ng mga basura. Aniya, madali lamang itong gawin subalit nangangailangan ng ibayong disiplina.

“The constitutional right to a clean and healthy ecology does not only call on enforcement by government agencies, but also on each citizen’s civic duty to follow these laws on their own, as citizens, we also need to do our part by simply disposing of our trash properly. Let us segregate waste and stop indiscriminate dumping; it is simple to do and requires just a bit of discipline.”, bahagi ng pahayag ni Cimatu.

Paliwanag pa ni Cimatu, dahil sa dumadaming bulto ng mga basura kaya lumalala din ang baha sa Metro Manila tulad ng naranasan nitong nakaraang bagyong Maring.

Batay sa pagsusuri ng DENR araw-araw ay tinatayang 4,000 truck ng basura ang nakokolekta sa buong Mega Manila.

Samantala, ayon naman sa National Solid Waste Management Commission noong taong 2013 ang buong Pilipinas ay nakalilikha ng 38,092 tonelada ng basura araw-araw, at sa huling pag-aaral noong 2014, nadagdagan pa ang dami ng basura na nagagawa ng mga tao sa 38,757 tonelada.

Binigyang diin naman sa Laudato Si ni Pope Francis, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan at pagbabawas sa nalilikhang basura dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,992 total reads

 46,992 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,775 total reads

 126,775 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,222 total reads

 160,222 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,520 total reads

 195,520 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,253 total reads

 420,253 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,571 total reads

 37,571 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,460 total reads

 30,460 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top