74,125 total views
“Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector.
Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce.
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) Baccalaureate-Level Graduates Data ng school year 2021-22:: 602,271 estudyante ang nagtapos ng kurso sa iba’t-ibang kolehiyo sa bansa.
Natuklasan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sa kanilang pag-aaral na 40-percent ng mga Filipino employee ay “overqualified o overeducated” sa kanilang trabaho ngunit maliit lamang ang sahod.
Inihayag ng PIDS na tinatanggap ng “jobseekers” ang trabaho na hindi kailangan ng skills o akma sa kanilang pinagsanayan at pinag-aralan dahil ang kinuhang college course ay maliit lang ang demand sa job market… Ang “job mismatches” ay pangunahing dahilan kung bakit hindi tumatagal sa trabaho ang mga bagong tanggap na empleyado… Ibig sabihin Kapanalig, ang mga high school graduate ay nararapat payuhan ng mabuti ng kanilang guidance councilors sa pagpili ng college course.
Sa Encyclical na “Laborem Exercens” ni St.John Paul II, pinapahalagahan ang dignidad ng isang manggagawa sa lugar ng paggawa tulad ng “ the subordination of work to man; the primacy of the worker over the whole of instruments; the rights of the human person as the determining factor of all socio-economic, technological and productive processes, that must be recognized; and some elements that can help all men identify with Christ through their own work.
Upang tugunan ang problema sa “job mismatches”, iminungkahi ni PIDS Senior Researcher Dr. Connie Bayudan-Dacuycuy ang pagkakaroon ng “Labor Market Information System” (LMIS) na magsisilbing central database na kokolekta, nag-analisa at magpapakalat ng labor market trends,skills demand at pangangailangan sa labor workforce… Iginiit ng PIDS na ang mga outdated na data at kulang na labor market information ang ugat ng skills mismatches.
Tiwala ang PIDS na sa pamamagitan ng maayos, epektibo at komprehensibong LMIS ay malalaman ng mga ahensiya ng pamahalaan at industries kung ano ang mga “skills shortage” na naka-align sa educational programs at market labor demands… dahil sa kumpletong market data system, maari nang makagawa ng “informed policy decision” ang mga lider sa gobyerno…
Kapanalig, mareresolba lamang ang problema sa job mismatches sa Pilipinas kung mayroong maayos na strategic collaboration sa pagitan ng pamahalaan, business industries at educational institutions.
Sumainyo ang Katotohanan.