Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Loading

Kapanalig, ayon sa Laborem Exercens, mas masakit kung ang kabataan ang naapektuhan ng unemployment o kawalan ng trabaho. Pagkatapos kasi ng matagal na paghahanda, kasama ng kanilang matinding pagnanais at pangangailangan na mag-katrabaho, masaklap diba kung wala silang mapupwestuhan sa merkado.

Ramdam natin ang kalungkutan na ito ngayong pandemya, dahil marami sa ating mga kabataan ang nawalan ng trabaho. Tinatayang nasa 14.5% ang youth unemployment sa ating bansa base sa opisyal na datos noong Hunyo 2021. Tumaas din ang youth underemployment sa bansa mula sa 13.5% noong Mayo 2021 tungo sa 13.5% nitong Hulyo 2021.

Ang pagdami ng youth unemployment, kahit pa walang pandemya ay isa na sa malalaking hamon ng bansa. Taon-taon, isyu ito ng marami dahil pagkataos ng kolehiyo, hindi agad nakakakuha ang maraming kabataan ng trabaho. Mas nabawasan pa ang merkado ngayong  mga taong 2020 hanggang 2021 dahil na rin sa pandemya. Ano bang magagawa ng mga kabataan upang mas mabilis silang makahanap ng trabaho?

May ilang mga stratehiya ang maaring gawi ng ating lipunan upang mabigyan ng pagkakataon ang maraming kabataan na makahana ng trabaho. Una dito ay pagpapalakas ng job creation sa ating bansa. Para magawa ito, symepre, kailangang pasiglahin ang ekonomiya. Maliban dito, maari ring magkaroon ng mga programa ang pamahalaan at pribadong sektor na nakalaan para makapagbigay trabaho sa kabataan, gaya ng mga internships, on-the-job training, o mga incubation programs. Ang mga programang ito ay hindi lamang dapat nakatuon sa mga urban areas, kundi sa mga rural areas din. Napakaganda sanang pagkakataon, halimbawa, na makasama ang mga kabataan sa mga modernong farming methods o kaya mga eco-tourism, agri-tourism jobs.

Isa pang paraan upang matulungan nating kumita ang mga kabataan ay ang pagsusulong ng entrepreneurship. Mainam, kapanalig, na maengganyo natin ang mga kabaatan na maging negosyante. Sadyang malikhain ang mga kabataan, at ang katangian na ito ay isa sa mga susi ng sa matagumpay na negosyo.

Ang paglalaan ng mga programa upang  mas makalahok sa merkado ang mga kabataan ay isang strategic investment, hindi lamang para makaahon sa kahirapan ang mga kabataang maralita, kundi para sa kinabukasan ng bayan. Kung ating patuloy na nililinang ang kakahayan at kagalingan ng kabataan sa pamamagitan ng mga trabahong nagbibigay sa kanya hindi lamang ng kita kundi pati karangalan, sinisigurado din natin ang kaunlaran para sa bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SYNODALITY

Loading

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Loading

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

FRESH AND CREATIVE SOLUTIONS

Loading

Kapanalig, ilang dekada nang hindi nareresolba, hindi natutugunan ang problema ng Pilipinas sa “endemic na corruption, kahirapan, exlusion, malnutrisyon, kawalan ng katarungan, mataas na bilang

Read More »

Lipat na sa renewable energy

Loading

Mga Kapanalig, patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo! Walang dudang epekto ito ng giyera sa Middle East na pinanggagalingan ng langis at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SYNODALITY

Loading

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

FRESH AND CREATIVE SOLUTIONS

Loading

Kapanalig, ilang dekada nang hindi nareresolba, hindi natutugunan ang problema ng Pilipinas sa “endemic na corruption, kahirapan, exlusion, malnutrisyon, kawalan ng katarungan, mataas na bilang

Read More »
Scroll to Top