Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabataan, Mas Kailangan ng Ibayong Gabay Ngayon

SHARE THE TRUTH

 754 total views

Kapanalig, bigyan nating pansin ang sitwasyon ng ating kabataan. Nagiging malalim na ang mga sugat na naidudulot natin sa kanila dahil hindi sapat ang ating nabibigay na atensyon sa kanilang sitwasyon.

Marahil marami sa atin ang bingi na sa mga nagiging nakaka-alarmang praktis ng mga kabataan ngayon. Marami sa kanila, dahil sa teknolohiya, ay napapariwara.

Ang kombinasyon ng natural na “adventurism at exploration” sa mga kabataan at ang teknolohiya ay nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis at pag-aasawa ng marami sa ating mga kabataan. Maraming mga kabataan nga ang nagsasabi na nagsisimula ang kanilang relasyon mula sa text o chat lamang. Ang mga hindi magkakakila ay biglang nagiging “intimate” dahil sa mabilis na palitan ng mga salita na nagbibigay ng maling pag-aakala o persepsyon ng pagiging “close” at malalim na pagkakakilala. Ang ugnayang ito ay mahirap ma-monitor o macheck ng mga magulang dahil nangyayari ito “online.”

Sa ngayon nga kapanalig, isa sa tatlong kabataang Pilipino ay may karanasan na ng premarital sex. Ito ay isa sa mga dahilan ng pagtaas ng teenage pregnancy sa ating bansa. Habaang bumaba sa buong mundo ang bilang ng mga teenage pregnancies, sa ating bansa, patuloy itong tumataas.

Ayon sa 2013 National Demographic and Health Survey, isa sa sampung 15 to 19 years old na babae sa ating bansa ay buntis o nanay na. Kapanalig, ang teenage pregnancy ay high-risk o mapanganib. Ang pagbubuntis sa murang edad ay nagdudulot ng maraming komplikasyon sa bata o teenager. Isa sa ito sa mga dahilan ng maternal mortality. Nakamamatay, kapanalig, ang maagang pagbubuntis. Maraming mga buntis na teenagers ay nakakaranas ng eclampsia at pagdurugo. Ayon sa World Health Organization, ang mga komplikasyon na dulot ng maagang pagbubuntis at at panganganak ay ang pangalawang dahilan ng kamatayan ng mga batang may edad 15 hanggang 19 years old.

Kapanalig, ang Department of Education at ang Department of Health ay may mga programa para sa mga kabataan na tutok sa teenage pregnancies. Paigtingin natin ito at palawakin. Ito ang isa mga dapat ma-highlight na proyekto ng gobyerno. Kailangan din abutin natin ang mga out-of-school youth sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga programa ng barangay para sa proteksyon ng mga bata. Ang TESDA ay maari ring magpalawig ng mga programa nito para sa mga out-of-school youth.

Ang kabaataan kapanalig, ay umaasa sa ating mga “adults” para sa maayos na gabay. Ang gabay ay hindi lamang ukol sa sermon at pagpapaliwanag, kailangan din natin maglatag ng mga gawain at programa, mula sa tahanan hanggang sa malawakang lipunan. Ihanda natin ang kanilang kinabukasan at sabayan natin sila sa pagtahak nito.

Si Pope Francis ay may mahalagang payo sa mga kabataan noong World Youth Day 2016 na nawa’y maging inspirasyon nating lahat: “So I ask you: Are you looking for empty thrills in life, or do you want to feel a power that can give you a lasting sense of life and fulfillment? Empty thrills or the power of grace? To find fulfillment, to gain new strength, there is a way. It is not a thing or an object, but a person, and he is alive. His name is Jesus Christ.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,904 total views

 8,904 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 20,387 total views

 20,387 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 36,076 total views

 36,076 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,857 total views

 36,857 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,560 total views

 46,560 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,905 total views

 8,905 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMERO

 20,388 total views

 20,388 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

UNAWAIN AT MAGTIIS

 36,077 total views

 36,077 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 36,858 total views

 36,858 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top