587 total views
Hinimok ng Bureau Fire Protection o BFP ang publiko na paigtingin pa ang kahandaan at kalaaman sa pag-iwas sa sunog ngayong buwan ng Marso o Fire Prevention Month.
Ayon kay BFP Spokeperson Major Ian Manalo, magiging aktibo ang buong puwersa ng B-F-P para ikampanya ang mga programa na naglalayong itaas ang kaalaman ng bawat mga barangay at komunidad maging sa mga paaralan at mga establisyemento mula sa posbilidad ng pagkakaroon ng sunog.
Giit ni Major Manalo, mas mababa ng 40 percent ang bilang ng mga naitalang insidente ng sunog mula Enero hanggang sa pagpasok ng buwan ng Marso ngunit kailangan pa din mas paigtingin ang kahandaan at pag-iingat.
“19,292 na sunog ang naitala last year compare sa 2015 na may mahigit 17,000, pero mula ngayon hanggang noong Enero mas baba ng 44 percent, naunahan lang tayo ng sunog na malalaki kaya akala ng ating mga kababayan marami ang sunog pero hindi po mababa po ang ating sunog ngayon.” Pahayag ni Manalo sa panayam ng Radio Veritas.
Umaapela din ang B-F-P sa mamamayan na pairalin ang attentiveness at makipagtulungan sa mga bumbero lalo na kung sila ay reresponde sa isang sunog.
Tinukoy ni Manalo na isa sa mga pangunahing dahilan kaya’t nagtatagal ang pagtugon ng mga bumbero sa sunog ay ang hindi pakikipagtulungan ng mga nasa lansangan at maging ng mga mismong residente.
Aminado naman ang ahensya na mayroon pa rin silang mga kakulangan sa bilang ng Fire Trucks at Fire Station sa buong bansa.
Kaugnay nito patuloy na aktibo ang Simbahan sa pagtugon at pagtulong sa mga naapektuhan ng sunog partikular na ang Archdiocese of Manila.
Read: http://www.veritas846.ph/35th-year-ng-pagkapari-ipinagdiwang-ni-cardinal-tagle-kasama-ang-mga-nasunugan/
Una naman nang inahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilo David na ang suliranin sa sunog ay hindi lamang suliranin ng fire prevention kundi suliranin din ng kahirapan at kawalan ng maayos na tirahan para sa mga dukha.
Read: http://www.veritas846.ph/kahirapan-dahilan-ng-mga-sunog-sa-metro-manila/
(Rowel Garcia/Newsteam)