Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suportahan ang “Fast2Feed” program-Cardinal Tagle.

SHARE THE TRUTH

 358 total views

Umaabot na sa 1.8 Million kabataan, mga buntis at mga matatanda ang kinakalinga ng Hapag Asa Feeding Program ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Finda Lacanlalay, Director ng Hapag-Asa Feeding Program, patuloy ang kanilang pagsusumikap na tugunan ang pangangailangan ng dumaraming bilang ng mga malnourished children sa mga mahihirap na lugar sa bansa.

Pahayag ni Lacanlalay, target ng Hapag-Asa na makapagpakain ng 250 libong malnourished children ngayong taong 2017.

Umaapela din si Lacanlalay na palakasin ng iba’t-ibang diyosesis sa Pilipinas ang kanilang feeding program at pagsuporta sa nasabing programa para marami pang mga kabataan ang mapakain at maserbisyuhan nito.

Aminado si Lacanlalay na nakakabahala ang inilabas na datos ng Food Nutrition Research Institute (FNRI) kung saan tumaas ang bilang ng mga kabataang nababansot dahil sa malnourishment partikular na sa mga pinakamahihirap na lalawigan.

“Ang nakakabahala ngayon yung latest statistics na ibinigay ng FNRI karamihan ng mga bata natin ay nababansot tapos yung first 1000 days ay napaka critical nakapahalaga yun damaged to the brain can occur kapag hindi nabigyan ng proper nutrition at yun ngang statistics na ibinigay ngayon napaka taas lalo na sa mga priority regions na tinutukoy namin gaya sa ARMM halos 5 sa bawat 10 ay nababansot” dagdag pahayag ni Lacanlalay.

Hinimok ni Lacanlalay ang mga mananampalataya ngayong Ash Wednesday na suportahan ang “Fast2Feed” program sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanila ng halagang natitipid mula sa pag-aayuno.

Una nang nagpalabas ng pastoral statement si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kung saan hinimok din nito ang mga mananampalataya na tumulong sa mga nangangailangan kasabay ng pag-aayuno ngayong panahon ng kuwaresma sa pamamagitan ng “Fast to Feed Program”.
Read: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-umaapela-ng-pakikiisa-sa-fast2feed-program/
(Rowel Garcia/Newsteam)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 23,982 total views

 23,982 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 47,767 total views

 47,767 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 60,002 total views

 60,002 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 245,641 total views

 245,641 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 275,510 total views

 275,510 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 16,027 total views

 16,027 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 15,645 total views

 15,645 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »

Eucharistic Renewal: A Call to Truth

 30,670 total views

 30,670 total views As Catholic communicators and members of the mainstream media, our sacred role is to tell the truth, the whole truth, even when it

Read More »

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 33,368 total views

 33,368 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Scroll to Top