Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailagang baguhin ang pamamaraan ng paghahayag ng Ebanghelisasyon -Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 774 total views

Napakahalaga na maipahayag natin ang Mabuting Balita sa ating kapwa sa pamamagitan ng awa na may kaakibat na gawa.
Ito ang inihayag ni Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay ng pagsisimula ngayon ng Philippine Conference on New Evangelization 3 sa University of Sto. Tomas Maynila.

Ayon sa kardinal, sa paksa ng PCNE na “Awa, Unawa, Gawa” The Filipino Experience of Mercy, kinakailangang makita muli natin ang mukha ng Diyos kaakibat ang pagiging misyunero ng awa at habag nito.
Iginiit ni Cardinal Tagle na kinakailangan iparamdam ang awa ng Panginoon sa pamamagitan sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga tunay na nangangailangan.

“Paksa natin ang makita muli ang mukha ni Hesus, ang habag, awa ng Diyos at paano tayo mababago at magiging misyunero tayo ng awa ng Diyos, hindi naman sapat na naranasan natin ang awa na ito nang makilala natin siya, sana ang pagkilala natin sa kanya ay mauwi na maging disipulo tayo at misyunero para ipalaganap natin ang kagandahang loob sa ating mundo ngayon.” Pahayag ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, dagadg ni Cardinal Tagle, kinakailangan din ang PCNE 3 lalo na ngayon na nabubuhay ang mga kabataan sa mundo ng modernong teknolohiya.

Aniya, sa PCNE 3, ipapamalas nito ang bagong pamamaraan ng paghahayag ng ebanghelisasyon lalo na sa mga kabataan na madalas banggitin noon ng ngayo’y si Saint John Paul II.

“Si John Paul II lagi na siya nanawagan na bagamat ang misyon ng Simbahan kahit kailan at kahit saan ang ebanghelisasyon o paghahayag ng Mabuting Balita sabi niya ang mundo natin nag-iiba kaya kailangan natin bagong pamamaraan at bagong pagpapahayag at mahalaga bagong sigla, hindi naman tayo nag-iimbento ng bagong ebanghelisasyon kundi ng bagong pamamaraan. Halimbawa ang mga kabataan ngayon digital na, paano ka magpapahayag tungkol kay Hesus sa mga kabataang ang komunikasyon digital, paano natin ipapahayag ang awa ng Diyos sa mga taong nakaranas ng hirap na parang walang naawa sa kanila, ito ang ating bigyan ng tuon.” Ayon pa sa Kardinal.
Tatlong araw ang PCNE 3 na magtatapos sa July 17.
Matatandaang pinangunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagpapalaganap ng awa at habag sa mga nangangailangan nang personal itong bumisita sa Pilipinas noong Enero ng 2015 para iparamdam ang kanyang pakikiramay sa may 16 na milyong indibidwal na naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa bansa noong Nobyembre ng 2013.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,116 total views

 34,116 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,948 total views

 56,948 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,348 total views

 81,348 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,248 total views

 100,248 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 119,991 total views

 119,991 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 71,639 total views

 71,639 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 177,906 total views

 177,906 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 203,720 total views

 203,720 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 218,880 total views

 218,880 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top