VeritasPH

The Word, The Truth

Kailan naging laban sa gobyerno ang pagtulong sa kapwa?

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Mga Kapanalig, nahaharap sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman si Lorraine Badoy, undersecretary ng Presidential Communications Operations Office (o PCOO) at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Matapos ang isang taóng pagtitiis at pagninilay, nagpasya si Ginang Zena Bernardo, ina ni Ana Patricia Non na kilalang nagsimula ng community pantry sa kasagsagan ng pandemya noong isang taon, na magsampa ng reklamo laban kay Usec. Badoy. Nag-ugat ang kaso sa pag-red-tag ng opisyal kay Ana Patricia (o Patreng) na ayon kay Ginang Bernardo ay nagdulot ng “mental at psychological torture” sa kanyang anak.

Kalagitnaan ng Abril noong nakaraang taon nang ikinalat ng Facebook page ng NTF-ELCAC ang isang post na iniuugnay si Patreng sa mga komunista. Ginamit lang daw ang mga community pantries ng mga komunista upang makapag-recruit ng mga bagong miyembro. Kahit walang ebidensya ang paratang na ito, ibinahagi ito ni Usec. Badoy sa kanyang Facebook page at sinabing modus operandi lamang ng mga rebelde ang mga community pantries na ang tanging layunin lamang ay punan ang pagkukulang ng gobyerno sa pamamahagi ng pagkain sa mga nagugutom dahil ng lockdown. Sa kanyang inihaing reklamo, hinihiling ni Ginang Bernardo ang suspensyon ni Usec. Badoy mula sa kanyang opisina. Nais din niyang magkaroon ng pagdinig upang matukoy ang mga pananagutan ni Usec. Badoy.

Ito na ang ikaanim na reklamong naisampa laban kay Usec. Badoy dahil sa ginagawa niyang red-tagging. Nitong Marso, inireklamo rin siya ng mga progresibong grupong katulad ng Kilusang Mayo Uno, Pamalakaya, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas dahil sa pag-uunay niya kay VP Leni Robredo sa mga komunista. Ganito rin ang ginawa ng mga grupong Filipino Nurses United at Alliance of Health Workers na nanawagang ipawalambisa ang doctor’s license ni Usec. Badoy dahil sa ginagawa niyang pangha-harass at pag-red-tag sa mga health workers. Sinampahan naman siya ng kaso ni Nobel laureate at mamamahayag na si Maria Ressa na tinawag ni Usec. Badoy na “mouthpiece of enemies of the state,” “sociopath” at “liar.”

Hindi biro at lubhang delikado ang tawaging komunista at kalaban ng estado, lalo na sa isang lipunang mababaw ang pag-unawa sa mga ideolohiya at mabilis manghusga ang mga tao. Nakadidismaya ring mga opisyal pa ng gobyerno ang gumagawa ng red-tagging nang walang batayan o matibay na ebidensya. Salungat ang kanilang ginagawa sa ika-siyam na sampung utos ng Diyos sa Exodo 20: “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.” Tandaan sana ng ating mga lider sa pamahalaang sila ang dapat maging halimbawa ng pagsasabi ng totoo, hindi ng pagsisinungaling at paninirang-puri.

Sa kanyang homilya noong Biyernes Santo, sinabi ni Bishop Ambo David ng Kalookan na maging si Hesus ay para ding biktima ng red-tagging noong panahon niya. Kasama ang mga mangingisda ng Galilea bilang mga apostol, pumunta sila sa mga liblib na lugar, nakihalubilo sa mahihirap, tumulong sa mga maysakit, at nagpangaral tungkol sa katarungan. Kaanak pa niya ang propetang si Juan Bautista na maanghang din ang mga salitang binibitawan. Itinuring na subersibo si Hesus, at ginamit ito ng mga kalaban niya upang mapatawan siya ng parusang pagpapako sa krus. “Subversion (o paglaban sa gobyerno) ang krimeng ikinamatay ni Hesus,” ani Bishop Ambo.

Mga Kapanalig, subaybayan natin ang itatakbo ng mga kaso laban kay Usec Badoy. Nawa’y lumabas ang katotohanan, mapanagot ang mga dapat panagutin, at mabigyan ang mga taong ginigipit gamit ang kasinungalingan tungkol sa kanila ng pagkakataong maipagtanggol ang kanilang sarili. Naniniwala tayong hindi pababayaan ng Panginoon ang mga kumikilos upang itaguyod ang dignidad at kapakanan ng kanilang kapwa, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 821 total views

 821 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,357 total views

 8,357 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,343 total views

 24,343 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,388 total views

 32,388 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,468 total views

 37,468 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 822 total views

 822 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,358 total views

 8,358 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,344 total views

 24,344 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,389 total views

 32,389 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 37,469 total views

 37,469 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,883 total views

 42,883 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,669 total views

 44,669 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,594 total views

 41,594 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,908 total views

 55,908 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,598 total views

 59,598 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,201 total views

 58,201 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,188 total views

 68,188 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,156 total views

 72,156 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,043 total views

 83,043 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,482 total views

 95,482 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top