Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalayaan sa pamamayahag at ang katotohanan

SHARE THE TRUTH

 852 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang World Press Freedom Day. Pinahahalagahan ng taunang paggunitang ito ang pagsusulong ng kalayaan sa pamamahayag.

Kasabay ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day, may tatlo pang mahahalagang pangyayari ang ginugunita ngayong taon, lahat ay may kinalaman sa kalayaan sa pamamahayag at sa pagkamit ng katotohanan.

Una ay ang ika-250 anibersaryo ng pagsasabatas ng kauna-unahang Freedom of Information o FOI Law sa buong mundo. Taong 1776 pa naipasa sa bansang Sweden ang ganitong batas.Noong 2014 naman, ang bansang Paraguay ay naging ika-100 bansang nagkaroon ng FOI Law. Sa pamamagitan ng FOI Law, naisusulong ang isang pamahalaang accountable o may pananagutan sa bayan,at transparent o bukas sa pagsisiyasat ng mga mamamayan. Ang malungkot, mga Kapanalig, dito sa atin ay hindi pa rin naipapasa ang FOI Bill. Sa pagtatapos ng kasalukuyang Kongreso, malabo na itong maipasa pa, kaya’t hihintayin na lamang natin ang mangyayari sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Ang ikalawang pagdiriwang ngayong taon ay ang ika-25 anibersaryo ng Windhoek Declaration. Noong 1991, sa pangunguna ng UNESCO, idinaos sa Windhoek, Namibia, ang isang seminar na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa Africa. Ang Windhoek Declaration—ang dokumentong nabuo mula sa pagtitipong ito—ang nagsisilbing panuntunan ng kalayaan sa pamamahayag. Binigyang-diin nito ang ika-19 na artikulo ng Universal Declaration of Human Rights: Anglahat ng tao ay may karapatan sa malayang pagpapahayag ng sariling pananaw. Kasama sa karapatang ito ang malayang pagsisiyasat, pagtanggap, at pagbabahagi ng impormasyon at ideya sa alin mang pamamaraan o media.

At ikatlo, sinimulang buuin ngayong taon ang UN Sustainable Development Goals o SDG. Nilalaman ng SDG ang labimpitong targets na pagsusumikapang makamit ng mga bansang kasapi ng UN hanggang sumapit ang taong 2030. Ang ika-16 na target ay may kinalaman sa pagsulong ng isang lipunang makatarungan, mapayapa, at maunlad,at kabilang rito ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng access sa impormasyon at sa tinatawag na mga “fundamental freedoms” gaya ng kalayaang mabuhay, maghanapbuhay, maglibang at makapagpahinga, makapag-aral, at makaboto.

Mga Kapanalig, ang mga paggunita ng nabanggit tungkol sa malayang pamamahayag at malayang pagkamit ng impormasyon ay nakaugat sa kahalagahan ng katotohanan. Ngunit inaanyayahan tayo ng mga panlipunang turo ng simbahan na papalalimin pa ang pag-unawa natin sa kalayaang magpahayag at sa pagkamit at pagsusulong natin ng katotohanan.

Para saan nga ba ang katotohanan? Sa Pacem in Terris na sinulat ng dating Santo Papa at ngayo’y St John XXIII, ang karapatan nating magpahayag at malaman ang katotohanan ay umuusbong mula sa natural na batas (o natural law) na nakapaloob sa isang kaayusang moral (o moral order) at nakatuon sa kabutihan ng lahat (o common good). Ganito rin ang isinaad sa Gaudium et Spes: Dahil ang paghanap sa katotohanan ay bahagi ng ating pagiging tao, isang mahalagang salik ng ating dignidad—tayo ay malayang hanapin ang katotohanan, malayang ipahayag ang ating mga saloobin, at malayang ibahagi ang mga ito sa iba.

Bagama’t hindi lamang nakatuon sa kalayaan sa pamamahayag, matatagpuan natin sa Dignitatis Humanae, na sinulat naman ni Pope Paul VI, ang isang mahalagang paalala tungkol sa katotohanan: “Truth is to be sought after in a manner proper to the dignity of the human person and his social nature. The inquiry is to be free, carried on with the aid of teaching or instruction, communication,and dialogue.”

Mga Kapanalig, ngayong eleksyon, kaliwa’t kanan ang batuhan ng akusasyon ng mga kandidato. Maraming impormasyon din ang pilit na inililihim para hindi lumitaw ang katotohanan. Maging mapanuri po tayo sa ating mga naririnig at nababasa. Sikapin po nating alamin ang totoo, at huwag po tayong magpagamit sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan.

Sumainyo ang tunay na katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,086 total views

 6,086 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,070 total views

 24,070 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,007 total views

 44,007 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,200 total views

 61,200 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,575 total views

 74,575 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,218 total views

 16,218 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

GEN Z PROBLEM

 6,087 total views

 6,087 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,071 total views

 24,071 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,008 total views

 44,008 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,201 total views

 61,201 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,576 total views

 74,576 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 85,958 total views

 85,958 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 120,723 total views

 120,723 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 119,708 total views

 119,708 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 132,361 total views

 132,361 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »
Scroll to Top