214 total views
Mga minamahal na kapatid sa Panginoon, magpasalamat po tayo sa Diyos na nagtipon sa atin sa umagang ito, upang sa pamamagitan ng pananalangin, pakikinig sa salita ng Diyos, pagtanggap sa katawan at dugo ni Hesus at sa Espiritu Santo na ipinangako niya sa atin.
Tayo bilang isang bayan, ay makatanggap ng ibayong biyaya samantala tayo ay naghahanda sa isa na namang makasaysayang yugto ng ating bayan, ang darating na eleksyon. Salamat po sa iba’t-ibang kandidato na nandito ngayon, sa iba’t-ibang posisyon.
Salamat po sa mga miyembro ng iba’t-ibang organisasyon lalo na yung nagtataguyod ng maayos at mapayapang eleksyon.
Salamat po sa ating COMELEC officials, ganun din sa nasa kapulisan at lahat ng nandito yung hindi ko man mabanggit. Kapag naririnig po natin ang mga pagbasa katulad nito lalo na sa darating na eleksyon Ako po ay nangingiti sa unang pagbasa mula sa gawa ng mga apostol (The Acts of the Apostles).
Makikita po natin sina Pablo, San Pablo at ang kanyang mga kasama palipat-lipat ng lugar sa Samothrace, Neapolis, Philipos, Macedonia.
Nagpunta pa sa thayatira. Ang tanong ko nga ‘bakit ba lakad ng lakad si San Pablo, nangangampanya ba ito?’ ‘ Ano ba ang uri ng pagikot-ikot ni San Pablo.
Siguro sa isang banda eh pwede rin natin sabihin na nangangampanya rin siya pero ang kanyang pangagampanya ay mission,sumasaksaksi sa ibang tao tungkol kay Hesus at hindi lamang makamundong hangarin ang nag-uudyok sa kanya ng magkaroon ng lakas para umikot sa ngalan ni Hesus sa kanya at sa mga Apostoles natupad ang sinasabi ni Hesus sa ibanghelyo at patnubay ang Espiritu ng katotohan ay paririto at ang Espiritu kapag pumasok sa pusong malinis ay nag-uudyok upang kahit ano pa ang kahiripang harapin ay hindi susuko sa pagsaksi sa katotohanan tungkol kay Hesus
Maganda po ang mga pagbasa kasi nagbibigay ng perspective tungkol sa ginagawa ng marami sa inyo, pumupunta sa iba’t-ibang lugar may determinasyon.
Ang paalalala ng pagbasa ay ano ang nag-uudyok? Ang sagot ni San Pablo ang Espiritu ng katotohanan at kami ay umiikot para sumaksi hindi sa sarili namin kundi para sumaksi kay Hesus.
Sa ganito pong diwa, hayaan niyong mag-alay ako ng ilang kaisipan tungkol po sa darating natin eleksyon Marami na pong naging statements ang Catholic Bishops Conferences at akin pong pakiusap na balikan natin lahat yun sa panig ng simbahang katoliko at ang kanyang mga kasama sa pagsusulong ng malinis at mapayapang eleksyon Marami rin na mga statements na one good vote sa PPCRV, sa lente at marami pa po tayong mga concerned groups and organization at paki-review po ang mga iyon para hindi ko na po uulitin lahat
Magsisimula lang po ako sa isang observation, kapag darating ang eleksyon excited lahat parang araw araw Fiesta Pero kahit may excitement parang may pangamba, lagi rin may namomroblema lagi rin may natatakot.
Sa katunayan sa dami ng mga movements para mapanatiling malinis marangal tahimik mapayapa ang eleksyon.
Pinakikita lamang na mayroon tayong takot na ang eleksyon ay baka maging marumi baka maging mapanira at maging marahas Mayroong excitement pero meron ding pangamba kaya ibig ko pong simulang sa isa pong fundamental na turo ng simbahan para sa mga lipunang demokratiko kung saan mayroong democracy ang eleksyon ay isang blessing
Darating ang eleksyon, ‘we are blessed that election could even be held in our country ’ Dahil po sa aking trabaho ako po ay nagpupunta sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at nagugulat po ako kasi sa ibang bahagi ng mundo meron pang hindi makaboto
May mga bahagi ng mundo na kapag ikaw ay bahagi ng isang grupo o mababang uri hindi ka bibigyan ng karapatan na bumoto Para sa atin parang ordinary na yan totoo may mga pangianib pero pwede ba tingnan din natin na ang eleksyon ay pagkakataon ng biyaya Biyaya sa ating bansa bahagi ng demokrasya at ang demokrasya ay nakatayo sa pundasyon ng participation Partisipasyon sa iba’t-ibang level at sa iba’t-ibang paraan
Ang isang pamamaraan ng participation In a democracy is election kaya kung tutuusin ang pagboto ay isang tungkulin na hindi lamang makabayan kundi makadiyos banal dahil sa aking pagboto ako ay nakikilahok dito sa biyaya na binibigay sa atin na makibahagi magkaroon ng boses para sa ikabubuti ng ating lipunan.
We participate through our vote in forging the destiny of our country. What a blessing Mahirap ka mayaman ka may pinag-aaralan ka wala kang pinag-aralan iginagalang ka minamata ka pag eleksyon mapalad ka pwede kang maki isa at sa pamamagitan ng boto mo meron kang bahagi sa kinabukasan ng ating bansa. What a blessing!
Noong isang araw po nakapanood ako ng isang pelikula di ko naman alam kung ano yun gusto ko lang matulog sa eroplano kaya pumili ako ng pelikula na hindi ko alam para mabored ako at matulog naku! Lalo ako hindi natulog kasi ang pelikula ay tungkol sa ginawa ng mga kababaihan sa Engglatera, England yung kaysaysayan ng kanilang pakikibaka para ang mga babae ay makaboto
Nagulat ako kama kailan lang pala yun hindi pala lahat ng babae ay kinikilala na pwedeng may partisipasyon para sa kinabukasan ng kanilang lipunan at para po sa atin what a blessing to participate pero yung ganyan partisipasyon ay mayroon din kaakibat na responsibilidad papano ako makikilahok kung hindi rin ako well-informed papano ako makikilahok kung hindi ako mag-aaral at magsusuri, paano ako makikilahok kung hindi malinaw ang values na aking kapantayan, ipaano ako makikilahok sa pag-ukit ng kasaysayan ng akin bayan kung wala akong sense of the common good, what a blessing but what a responsibility ganun naman lagi, ang pagpapala ay laging may kasamang responsibilidad.
Gusto natin gamitin ang pagpapala ng partisipasyon sa pamamagitan ng pagboto, linangin din natin at linisin ng ating responsibilidad, pananagutan,mag-aaral, kumilatis, kumawala sa pagkakulong ng sarili at isipin ang kabutihan ang kalahatan. Kapag ginawa yan ng bawat isa seryoso na makikibahagi para sa bayan talaga naman po ang ating bansa ay masasabing pinagpala. Huwag po sana natin sayangin ang pagpapalang ito
Participation in forging the destiny in our country through an election Malinaw po na ito ay partisipasyon ng bawat mamamayan at dahil malinaw yan ang obispo ng Pilipinas ay nagdesisyon na bilang mga obispo hindi kami mag-iimpose sa mga tao na ito ang iboto niyo kandidato kasi kailangan mag-participate lumahok ng may sariling pag-iisip at may sariling konsensya ang bawat mamayan. We do not want to preach participation and at the same time conquer the people capacity to participate intellectually, rationally and with conscience pero malinaw din na sa pagboto natin we participate by choosing people who will represent our dreams our desires our destiny.
Ang atin pong hinahalal ay mga representante ng bayan at bilang representante ng bayan meron naman silang gift,biruin niyo napakalaking biyaya yun na ikaw ay pinagkatiwalaan, pinagkatiwalaan para ang kabutihan ng bayan ay iyong maisulong what a gift! Public trust what a blessing!
But just like the blessing that comes with participatory voting the blessing of being elector as a representative of the common good also has its corresponding responsibilities, ang nahalalal bilang representante ng bayan Bagama’t mayroong kalayaan na kumilos at mag-iisip ay mayroon din obligasyon na laging makinig sa mga taong na kanyang isinasakatawan, may obligayson din siya na linawin sa kanyang sarili, ano ba ang ganap na pagtingin sa tao what is a human being? what does human dignity means?
What does a human right, a human right really mean and what does a common good entail? Kung ang botante kailangan mag-aaral ang kandidato at nahalalal ay kailangan din mag-aaral. Pag-aralan ang tunay na pangangailangan ng tao na nagtitiwala sa kanya at yan ay lalagpas na sa party politics dahil ang pag-uusapan na diyan ay common good kaya para po sa kandidatong nandito sa pagiging kandidato niyo lamang po blessing na yan na may responsibilidad kung kayo po ay pagkakatiwalaan ng bayan at mahalalal bilang kinatawan ng pangarap ng Pilipino, kinatawan ng common good wow you are blessed but you have a great responsibility
Hindi po pwede purong blessing na walang responsibility, magkasama po yun at para po sa ating lahat pag natapos po ang eleksyon kapag nanalo ang iyong inihalal huwag mo sabihin tapos na nanalo na ang aking inihalal o kaya hindi nahalal ang inyong kandidato, huwag mo sabihin wala na wala na ko interest hindi naman nanalo ang aking manok. Well, that’s not the essence of democracy, that’s not the essence of participation.
Nanalo man ang binoto mo o hindi. Hindi natatapos ang tungkulin natin to participate. We don’t participate in democracy only during elections,Participation in democratic processes is a daily event, make your voice heard, make your representative accountable to the common good.
Nanalo man ang binoto mo o hindi nanalo, kung sinuman ang nahalal na representante ng bayan, kailangang panagutin ng bayan at ang bayan hindi dapat matutulog at hindi nagpapahinga at gigising na lang muli sa susunod na eleksyon hindi!
A democracy is a project of never ending participation and in between election it takes the form of making our representative answerable to the people At kapag hindi maganda ang kanilang sagot sa susunod na election participate! huwag mo nang iboto at yung mukha namang responsible then you have the electoral process again Make your voice heard accountability, which the populous could demand which the representative country should be able to give.
Hindi ako nangngampanya at wala naman original dito sa aking sinasabi ito po ay tinatawag nating social teachings of the church kung papaano ang pananampalatayang kristiyano ay madadala sa buhay na lipunan lalo na sa isang demokrasya.
Manalangin po tayo sama-sama upang hindi po natin sayangin ang blessing na ito:
Huwag po natin ipagwalang bahala ang ating bansa, iisa ang ating bansa dito tayo binigay ng Diyos dito tayo isinilang ito ang bansang na nagpalaki sa atin, ito ang bansa na nagpakain sa atin, ito ang bansa na kahit kailang ito ang ating bayan and having receive that blessing ibigay din natin ang blessing na makibahagi sa pag-ukit ng kanyang magandang kinabukasan magandang kasalukuyan at kung kayo ay papalarin na pagkatiwalaan ng bayan na mahalal wag sana masiphayo ang pilipino sa iyong paglilingkod
Tayo po tumahimik sandali at katulad po ng sinabi ni Hesus atin pong tanggapin Espiritu ng katotohan ang patnubay para patnubayan niya ang bawat botante ang bawat kandidato Patnubayan niya ang buong Pilipinas Wag natin sayangin ang biyayang pakikilahok sa ating demokrasya.