Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

SHARE THE TRUTH

 3,144 total views

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio
New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral
December 31, 2017

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan ng pagsilang ng Panginoon.

Ibig ko hong tanungin sa inyo, sino po ang first time na nagdiriwang ng New Year’s Eve Mass dito po sa Manila Cathedral, pakitaas po ang kamay (people raises their hands) aba madami, welcome to the Manila Cathedral, welcome po sa inyo. (Applause)

Ito pong nakaraang taon palagay ko isa ito sa medyo malaki o pinakamalaking assembly ng nagsisimba ng New Year’s Eve, nakakagulat po ganito karami so wala ng paputok sa labas kaya sa Simbahan na nagpupunta.

Nasa ‘Octava’ po tayo ng pasko at ang ika-walong araw ng pagdiriwang ng pasko ay itinutuon sa Mahal na Birheng Maria bilang ina ng Diyos, nagkatawang tao ang anak ng Diyos si Hesus sa pamamagitan ng isang babae na buong pananampalatayang tinanggap ang kanyang misyong maging ina ng manunubos, ang pangalang ibinigay ng anghel Hesus nangangahulugang ‘ang Diyos ay nagliligtas, God saves’ yan ang kahulugan ng pangalang Hesus.

At para po sa atin ang ika-walong araw ng pasko Kapistahan ng Mahal na Birhen, Ina ng Diyos ay pagsalubong din sa bagong taon. Pagpapasalamat sa Diyos at sa napakaraming tao, pasasalamat din sa kalikasan na naging mabait sa ating nitong nakaraang taon at ang pagpapasalamat naman ay uuwi sa pagsalubong hari nawa nang may responsibilidad at kagandahang loob sa bagong taon at sa Simbahan din po ang unang araw ng taon ay araw ng pananalangin para sa kapayapaan, kailangang kailangan po.

At samantalang tayo ay nagdiriwang ngayon ang balita ay pumasok na ata ang bagong bagyo sa Philippine Area of Responsibility at maglaland-fall sa Mindanao at Eastern Visayas bukas kaya ipanalangin din po natin ang ating mga kapatid na bumabangon palang sa Urduja at sa Vinta ay ngayon naman unang araw ng taon, unang bagyo rin ng taon.

Ibig ko hong mag-alay sa inyo ng dalawang puntos para ho sa inyong pagninilay kahit pag-uwi mamaya.
Ano po ang natutunan natin sa Mahal na Ina? bilang ina, si Maria bilang ina at hari nawa ang matututunan natin sa kanya ay maging pamantayan ng buhay sa darating na taon lalo na sa ating paghahanap, pagpupunyagi sa tunay na kapayapaan.

Ang una po ay ito, sabi po sa Ebanghelyo ‘dumating ang mga pastol sa sabsaban’ bakit? Kasi may nakita silang mga anghel na nagsabi ‘may mabuting balita isinilang na ang manunubos doon sa Bethlehem sa isang sabsaban at ito ang palatandaan makikita ninyo ang isang sanggol nakabalot sa kayo, sa tela at nakalagay sa sabsaban’ at yun nga ang nakita ng mga pastol, nakabalot sa kayong lino at nasa sabsaban yan ang unang ginawa ng Mahal na Ina, napakahirap yata na manganak sa sabsaban sa kulungan ng mga hayop hindi ka naman matutulungan ng mga baka, hindi ka naman matutulungan ng mga kambing siguro si San Jose ay hindi malaman kung ano ang gagawin sa sitwasyon na napakahirap, sa sitwasyon na parang imposible ang unang krisis kasabay ng panganganak ni Maria ano ang kanyang ginawa? Pagmamalasakit, malasakit kahit hindi ideal ang sitwasyon ang nakita ng mga pastol ay isang bata na maayos na nakabalot sa kung anumang mga kasuotan ang nandoon at nakalagay sa sabsaban sa kainan ng mga hayop.

Hindi sila nakakita ng isang batang pinabayaan, hindi nila nakita ang isang batang madungis kasi nasa sabsaban lamang, hindi nila nakita ang isang batang halos ay pinabayaan dahil sasabihin ng magulang ‘eh wala kaming magagawa eh sabsaban ito’ hindi, kahit ano pa ang sitwasyon kakalinga ang ina, ibibigay ng ina ang kaya niyang ibigay kahit na ang sitwasyon ay hindi ideal. Malasakit, pagkalinga, ito po sana ang ating maging lifestyle sa darating na 2018 yan ang panalangin sa unang pagbasa.

Bibindesyunan ng pari ang lahat at sasabihin ‘pagpalain ka nawa ng Diyos, ingatan ka nawa ng Diyos, kahabagan ka nawa ng Diyos, subaybayan ka nawa ng Diyos, kalingain ka nawa ng Diyos at bigyan ka ng kapayapaan’ Ang kilos ng Diyos Ama ginawa ni Mariang Ina mapagpala, makalinga, maalaga diyan darating ang kapayapaan.

Pakiusap ko po sa ating lahat ibalik yung napakagandang katangiang Pilipino at Kristyano marunong kumalinga caring, concern. Hindi po tunay na Pilipino yung walang pakialam, hindi ugaling Pilipino yung tuwang tuwa na siya ay nakapanakit ewan ko kung saang planeta galing yun. Ang Pilipinong kilala ko marunong dumamay, kumalinga pero yung ‘buti nga, buti nga’ ewan ko kung saan galing yan o yung ‘ah nakita mo, yan ang napala mo’ ewan ko kung saan galing yan. Ang Pilipino makatao, Kristyano marunong kumalinga taglay ang puso ng Ama at puso ng Inang si Maria.

Sa mga bata na nandito habang bata pa matuto na kayong kumalinga kung meron kayong kapatid na mas bata, matuto na kayong mag-alaga sa kanila hindi yung nakikipag-kumpetensya pa kayo, kalingain niyo rin ang inyong magulang kasi ang mga magulang niyo trabaho ng trabaho para kayo ay makapasok, huwag niyong sasayangin ang kanilang pagod huwag niyong sasayangin ang kanilang pera, kalingain yan, be concerned, care for them, mag-aral kayong mabuti kasama yan sa caring para yung oras at yung boses ng teacher ninyo hindi naman masayang, kalingain natin ang ating bayan yung mga nagkakamali mahalin, akayin, mga magulang kapag nadapa ang anak niyo at sugat sugatan huwag niyong lalong pagagalitan, umiiyak na nga sa sakit eh pagagalitan pa, kalingain. Kalingain din natin ang ating kapaligiran, ang mga ilog, ang mga estero hindi sila basurahan daluyan sila ng buhay caring, concern. Pwede ba yun? Ayaw niyo? (to mass goers) ibalik yan, tularan si Maria.

At ang ikalawa po na ginawa ng Mahal na Ina sabi po sa Ebanghyelyo pinagbulaybulayan niya ang mga bagay na narinig niyang sinabi ng mga pastol. Nakinig at nagnilay-nilay she pondered, she meditated, she reflected kasama yan sa isang mapagkalingang ina. Kaya ang puso ni Maria punong puno ng ala-ala ni Hesus, yung mga bagay na hindi niya naintindihan agad-agad itinago niya sa kanyang puso at ito’y kanyang patu-patuloy na pinagnilayan, pinakikinggan, pinag-aaralan kaya nga po tayo nagdadasal ng Rosaryo eh yung mga mysteries ng buhay ni Hesus ay inaala-ala natin para bagang mula sa puso ni Maria, lahat nung mysteries of the life of Christ nasa puso ni Maria the Immaculate Heart of Maria.

Pagninilay, pakikinig, pagbubulay-bulay kailangan po natin yan sa panahon ngayon kasi ho kung minsan masyado na tayong impulsive hindi na nagninilay kilos agad, hindi nag-iisip salita agad kapag nasabi na hindi na mabawi nakasakit ka na, kilos agad na hindi nagninilay mayamaya mali na pala, sagot agad hindi naman naiintindihan, magnilay ka muna. Yung iba hindi pa nga naririnig ang tanong sumasagot na kaya mali ang sagot, makinig ka muna, magnilay ka ang then sagot kasi tayo lahat nagmamadali.

Salamat nalang kasi may social communications kaya lang ang isa rin namang hindi maganda ay hindi na tayo nagninilay (halimbawa) may magti-text sa iyo, i-email pa kababasa mo lang may kasunod ng text ‘natanggap mo yung text ko?’ sasagot ka ‘oo’ (tapos magti-text uli) anong sagot mo?’ Aba’y maghintay ka, magninilay muna ako. Wala nang makapaghintay, ito may mga media dito lahat gusto ambush (interview), ambush (interview), ambush (interview), kaya kapag ako inaambush (interview) [Cardinal Tagle close his mouth] sulatan niyo ako bukas, bukas ko sasagutin yan ‘kailangan ho ngayon’ nagninilay ako, ang Mahal na Ina nga eh ako pa. Kapag inambush (interview) ka kung anu-ano ang sinasabi mo, kontrobersya di masaya na naman kasi hindi pinagnilayan kaya may kontrobersya kasi kung kulang sa pagninilay, gusto natin ng kapayapaan isara ang bibig, pakinggan ang salita ng Diyos ipasok sa puso at magnilay.

Sayang naman ang dalawang tenga, ang puso at utak kung ang ginagamit lang bibig, gamitin naman paminsan minsan ang tenga, ang isip at puso tulad ni Maria at papayapa ang mundo. Kalinga, pagninilay dalawa lang ho yan marami pa pero titigil na po ako baka abutan tayo ng 2018.

Manalangin po tayo kasama ang Mahal na Ina, Reyna ng Kapayapaan dahil Ina ng Prinsipe ng Kapayapaan ang dala-dala niya ay pagliligtas at ang ina nagpakita caring, concern, capacity to listen to meditate, to pray, to reflect at kung hindi naiintindihan lahat do not rush, hindi mo naiintindihan take time to mature in your decision that’s humility and that’s respecting God’s will and God’s action.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 46,338 total views

 46,338 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 59,905 total views

 59,905 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 55,515 total views

 55,515 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 53,232 total views

 53,232 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 57,493 total views

 57,493 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 3,190 total views

 3,190 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 3,175 total views

 3,175 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 3,134 total views

 3,134 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 3,188 total views

 3,188 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 3,190 total views

 3,190 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 3,135 total views

 3,135 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 3,235 total views

 3,235 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 3,187 total views

 3,187 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 3,130 total views

 3,130 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 3,142 total views

 3,142 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 3,196 total views

 3,196 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Holy Cross Parish, Makati

 1,329 total views

 1,329 total views Sept. 13 9th day Novena Mass Ngayon po ang huling araw ng pagno-nobena ngayong bisperas ng kapistahan ng Tagumpay ng Krus ni Hesus. Ang atin pong fiesta sa taong ito ay napapaloob sa itinakda ng mga obispo ng Pilipinas bilang tema ng taong ito, walang iba kundi ang ‘Parokya bilang Communion of Communities’

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top