Spirituality, pag-iibayuhin sa Traslacion 2018

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 362 total views

Handa na ang Minor Basilica of the Black Nazarene o kilala bilang St. John the Baptist Parish sa taunang kapiyestahan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, layon ng Traslacion 2018 na mapag-ibayo ang esprituwalidad ng bawat deboto at maunawaan ang kanilang pananampalataya.

“This year, ngayon po ay pag-iibayuhan na tutukan ang ‘spirituality’ ng mga gawain na ito. Magkakaroon po ng pagdarasal ng Rosaryo sa lahat ng ruta na daraanan. Pinakikiusapan po namin lahat ng mga barangay na madarananan ipagamit ang mga ang trompa nila para at least kahit paano ang mga tao ay may maririnig na nagdarasal,” ayon kay Fr. Badong.

Ngayong taon, tema ng Traslacion 2018 ng Poong Hesus Nazareno: Ang Daan, Ang Katotohanan at Ang Buhay.

Paliwanag pa ni Fr. Badong, patuloy din ang pagbibigay ng buwanang ‘formation’ ang Quiapo Church sa mga balangay o mga deboto ng Poong Hesus Nazareno.

“Yun po ang hangad ng simbahan na matulungan sila na mapalalim at maunawaan ang pagiging deboto. Yung nga lamang malaking hamon dahil every year ang dumadating na bagong deboto, walang formation, hindi nag-a-attend sa simbahan.Dito sa Quiapo mayroon silang formation monthly. They have to attend especially ang mga officers kung talagang gusto nilang maging affiliated sa Quiapo. Meron din silang recollection at retreat. Tsaka iyong aming panawagan na pagtanggap ng mga sakramento lalu na ang kasal,” ayon pa kay Fr. Badong.

Limang libong pulis naman ang itatalaga ng Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad ng mga deboto na dadalo sa taunang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno bukod pa sa 1,500 na mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na siyang magbabantay sa paligid ng Quirino Grandstand at sa paligid ng simbahan.

Sa nakalipas na taon, umaabot sa 20 oras ang prusisyon na dinaluhan ng milyon-milyong bilang ng mga deboto. Taong 2012 nang maitala ang pinakamatagal na prusisyon na umabot sa 22 oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 15,452 total views

 15,452 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 15,452 total views

 15,452 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 129,273 total views

 129,273 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 151,880 total views

 151,880 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 171,813 total views

 171,813 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top