Hindi pagpapatupad ng RA 9003, ikinadismaya ng Ecowaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 758 total reads

Ikinadismaya ng Ecowaste Coalition ang dami ng mga basurang tumambad sa kanilang grupo sa paglilibot nito sa mga pangunahing pasyalan at pamilihan sa Metro Manila.

Ayon kay Aileen Lucero – National Coordinator ng grupo, labis na nakalulungkot na hindi tunay na naipapatupad ng pamahalaan ang RA 9003 o Ecological Solidwaste Management Act dahil sa kabila ng maraming mga paaalala hinggil sa pagiging masinop ay nagkalat parin ang mga basura sa buong kamaynilaan.

Dagdag pa ni Lucero, nakalulungkot din na sa kabila ng Proclamation 760 s. 2014 na nagtatalaga sa buwan ng Enero bilang Zero Waste Month ay taun-taon namang sumasalubong sa mga tao ang tambak ng mga basura.

“Nakakalungkot dahil ang January ay considered as zero waste month dahil sa Proclamation 760, hindi nakakatuwa kasi January tapos ang bubungad sa atin ay basura.” Pahayag ni Lucero sa Radyo Veritas.

Dahil dito, nanawagan si Lucero sa mamamayan at sa mga nagtitinda sa mga pasyalan at pamilihan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na maging masinop at magkaroon ng pakialam sa kanilang kapaligiran.

Sinabi ni Lucero na hindi dapat iasa ng mga tao sa kolektor ng mga basura ang paglilinis ng mga lansangan dahil ang bawat mamamayan ay maytungkulin sa bayan at sa Diyos na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran.

“Sana yung mga nandito sa divisoria o sa mga markets mahalaga na sila rin ay [maging masinop] hindi yung mga nagtitinda ay itatapon nalang o kaya ay ikakalat nalang, syempre ang bawat isa ay may responsibilidad hindi lang yung ganun na ipapasa nila dahil meron namang mga dump trucks, hindi po ganun, dapat merong responsibilidad para pangalagaan yung kalikasan.” Dagdag pa ni Lucero.

Sa unang pagtataya ng Metro Manila Development Authority aabot sa 48 mga truck ng basura ang nahakot mula sa ilang pasyalan sa Metro Manila habang nakapagtala naman ng 45 truck ng basurang nahakot mula sa Divisoria.

Sa bahagi ng Simbahan muling ipinaalala ang mahalagang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical nitong Laudato Si na iwaksi ang throw-away culture o pagiging maaksaya na dahilan ng pagdami ng kalat sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,479 total reads

 43,479 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,510 total reads

 93,510 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,381 total reads

 141,381 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,330 total reads

 245,330 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,218 total reads

 329,218 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,794 total reads

 41,794 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,674 total reads

 34,674 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top