Taong 2018, pagkakataon ng pasasalamat at paghingi ng kapatawaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total reads

Magpasalamat sa nakalipas na taon, at ipagpasalamat sa Panginoon ang panibagong taon na isang magandang pagkakataon para sa pagbabago at pagkakaroon ng pag-asa.

Ito ang mensahe ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa mamamayan sa pagpasok ng taong 2018.

“Isang pagkakataon ang bagong taon para magpasalamat. Kasi minsan ang dami nating natatanggap sa buong taon subalit hindi tayo nagkakaroon ng pagkakataon na huminto at magpasalamat sa Diyos sa buong taon ng 2017. Gayundin, it is a chance for us to say ‘sorry’ sa dami ng kasalanang nagawa sa Diyos at isat-isa,” mensahe ni Bishop Mallari.

Giit pa ng obispo, gamitin ding pagkakataon ang panibagong yugto ng ating buhay na magpatawad at humingi ng kapatawaran para sa magandang pagsisimula.

Noong nakalipas na Disyembre, binaril at napatay ng di pa kilalang mga armadong grupo si Fr. Marcelito Paez-isang pari mula sa Diocese ng San Jose.

Ayon kay Bishop Mallari, hangad nila ang pagpapatawad sa pumaslang sa pari, bagama’t mahalaga pa rin ang makamit ang katarungan sa kaniyang pagkakamatay.

“We forgive the killers. But we also find a way to able to solve the problem para hindi paulit-ulit na ginagawa. Kasi mahalaga rin na ‘we put a stop’ sa ganitong pagpatay, dahil mahalaga ang buhay ng tao. Mahalaga na tayo lahat ay magsama-sama, protektahan ang bawat isa, ang buhay to the last end,” ayon pa sa Obispo.

Una na ring kinondena ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija ang pagpatay kay Fr. Paez na kilalang nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at magsasaka.

Si Fr. Paez, 72 taong gulang ay nagsilbi sa Diocese ng San Jose, Nueva Ecija sa loob ng 32 taon at aktibong miyembro ng Rural Missionaries of the Philippines at ng Promotion of Church Peoples Response.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco, binibigyang halaga nito ang pagkikisalamuha at pagtulong ng mga pari sa kaniyang kapwa hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa mga usaping panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 218,222 total reads

 218,222 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,895 total reads

 252,895 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,795 total reads

 268,795 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 305,285 total reads

 305,285 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,926 total reads

 310,926 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top