Pananatili ng open pit mining ban, hiling ng Diocese of Marbel sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total reads

Panatilihin ang open pit mining ban at huwag nang ituloy ang pagbubukas ng panibagong coal fired power plant.

Ito ang dalawang kahilingan ni Diocese of Marbel South Cotabato Bishop Dinualdo Gutierrez ngayong bagong taon.

Ayon sa Obispo, ipinagdarasal niya ngayong 2018 para sa kanyang Diocese na mapigilan ang dalawang banta sa pagkasira ng kalikasan sa kanilang lalawigan; una, ang pagtatanggal ng mining ban sa Tampakan Mines; ikalawa, ang nakaambang pagbubukas ng Coal Fired Power Plant sa Ned, Lake Sebu.

Binigyang diin ni Bishop Gutierrez na walang maidudulot na kabutihan sa kanilang lugar at sa mamamayan ang dalawang proyektong ito at lalo lamang madaragdagan ang paghihirap ng mga katutubo.

“Number 1 that the open pit mining of coal and copper in Tampakan should not be lifted. Number 2 that the proposed coal mining in Barangay Lake Sebu would not prosper, that it would stop,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gutierrez sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag pa ni Bishop Gutierrez na kabilang ang Ned, Lake Sebu sa mga lugar na sumasailalim sa National Integrated Protected Areas System, kaya kailan man ay hindi maaaring mapahintulutan dito ang anu mang uri ng land explorations.

“The coal is very bad, it is the worst kind, dirty and not even very efficient. That area is already declared as a protected watershed, of course there will be harm to the people around and below the mountain.” Dagdag pa ng Obispo.

Ang Ned, Lake Sebu ay may 27 million metric tons of coal potential, dahilan upang magkainteres dito ang mga Coal power plants.

Samantala ang Tampakan Mines naman sa South Cotabato ay sinasabing maaaring makalikha ng 14.75 billion dollars na investment ayon sa Saggitarius Mines Inc. – ang kumpanyang nakatakdang magmina dito.

Dahil dito, tulad na rin ng nasasaad sa encyclical na Laudato Si ni Pope Francis ay naninindigan ang Diocese of Marbel na hindi nito isasakripisyo ang kalikasan at ang kapakanan ng mga lokal na residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 77,576 total reads

 77,576 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 109,305 total reads

 109,305 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 211,131 total reads

 211,131 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 251,690 total reads

 251,690 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 269,003 total reads

 269,003 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 29,022 total reads

 29,022 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 21,950 total reads

 21,950 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top