Walang pakialam at malasakit sa kapwa, hindi tunay na Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Umaapela sa mamamayan ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sa pagsisimula ng bagong taong 2018 ay sama-samang pagtulungang maibalik ang pambihirang katangian ng mga Pilipino at Kristyano na marunong kumalinga at magmalasakit sa kapwa.

Ayon kay Cardinal Tagle, hindi katangian ng isang tunay na Pilipino ang kawalang pakialam sa kapwa, kawalan ng inisyatibong dumamay sa mga nangangailangan at ang pagiging mapanakit sa iba.

Giit ng Cardinal, ang isang tunay na Pilipino at Katoliko ay makatao, marunong kumalinga, may malasakit sa kapwa at higit sa lahat ay nagtataglay ng puso ng tulad ng sa isang Ama gaya ng Diyos at puso ng isang ina gaya ni Maria.

“Pakiusap ko po sa ating lahat ibalik yung napakagandang katangiang Pilipino at Kristyano marunong kumalinga caring, concern. Hindi po tunay na Pilipino yung walang pakialam, hindi ugaling Pilipino yung tuwang tuwa na siya ay nakapanakit. Ang Pilipinong kilala ko marunong dumamay, kumalinga pero yung ‘buti nga, buti nga’ ewan ko kung saan galing yan o yung nakita mo, yan ang napala mo’. Ang Pilipino makatao, Kristyano marunong kumalinga taglay ang puso ng Ama at puso ng Inang si Maria.” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle sa pinangunahang New Year’s Eve Mass sa Manila Cathedral.

Hinimok rin ni Cardinal Tagle ang bawat isa na bukod sa pagkalinga sa mga nangangailangan ay kailangan ring kalingain ang bayan sa pamamagitan ng pag-agapay at patuloy na pagmamahal sa mga nagkakamali sa lipunan hanggang sa makatayo at makapagsimula ng bagong buhay.

“Kalingain natin ang ating bayan yung mga nagkakamali mahalin, akayin, mga magulang kapag nadapa ang anak niyo at sugat sugatan huwag niyong lalong pagagalitan, umiiyak na nga sa sakit pagagalitan pa, kalingain.” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Bukod dito, inihayag pa ni Cardinal Tagle na maging ang kapalirigan ay nangangailangan rin ng pagkalinga sapagkat maging ang mga ilog, estero at dagat ay nagsisilbi ring daluyan ng buhay na kinakailangang maprotektahan at mapangalagaan.

“Kalingain din natin ang ating kapaligiran, ang mga ilog, ang mga estero hindi sila basurahan daluyan sila ng buhay caring, concern.” apela pa ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, umaasa ang Kanyang Kabunyian na ang pagiging mapagmalasakit at mapagkalinga ng Birheng Maria ang magiging huwaran ng bawat isa sa paraan ng pamumuhay ngayong taong 2018.

“Malasakit, pagkalinga, ito po sana ang ating maging lifestyle sa darating na 2018.” panalangin ng Cardinal.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,932 total reads

 1,932 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 59,673 total reads

 59,673 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 120,170 total reads

 120,170 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 139,211 total reads

 139,211 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 219,864 total reads

 219,864 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 318,879 total reads

 318,879 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top