Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

SHARE THE TRUTH

 4,770 total views

Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya.

Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito.

Kung bibigyan po ng titulo itong aking pagninilay, siguro puwede nang ‘Hinahanap Kita’ o kaya ‘Kita Kita’! Ang mundo minsan ganyan, marami tayong hinananap, hindi nga lang natin alam minsan na naghahanap tayo. At hindi rin natin alam minsan kung ano ang hinahanap natin.

Kaya minsan, kapag tinatanong ng mga nanay ang kanilang mga anak, ano ang gusto ninyong kainin mamaya? Kahit ano ho! Pero kapag nakitang manok…manok na naman! Tinanong kayo kanina ano ba gusto ninyo? Hindi alam, di nagdesisyon si nanay. Tapos nung nandyan na, manok na naman! Ano ba talaga ang hanap mo?

Iyong iba, daming nanliligaw walang mapili. Walang sinasagot. Tapos magno-novena kay St. Jude, magpadala naman kayo ng aking mapapang-asawa.Ngayon pa 86 ka na! Ano bang hanap mo? Pero ano nga ba? Ano ba ang kurso na gusto mo ngayong tapos ka na ng high school? First semester nursing, naku nakakatakot pala ang dugo. Second semester education, ayokong magturo makukulit ang mga bata. Third semester vulcanizing, naku mainit pala ‘yan. Fourth semester rondalla, hindi ako marunong pala wala akong hilig.

Wala na hindi ko na alam ang gusto ko…magpapari na lang kaya ako nung hindi na alam. Pero ganyan ho araw-araw, hindi natin namamalayan, naghahanap tayo. At araw-araw hinahanap tayo. Sa unang pagbasa, hinahanap ni Saul si David para patayin. Nagseselos siya kasi napatay ni David ang kalaban si Goliat. Sumikat si David, nagselos na si Saul at hinahanap niya si David para patayin.

Ito namang mga kaalyado ni David, hinahanap si Saul para rin patayin. Alam ninyo may ganiyan sa mundo hinahanap ka para patayin ka, hinahanap ka para sirain ka, hinahanap ka para tapakan ka! At minsan tayo rin may hinahanap para saktan. Bakit kayo tahimik! Ganyan ba ang hanapan na gusto natin? Pero, minsan di mo alam, papatayin kaya?

Kaya minsan dahil ang atmosphere ganun kahit na kaharap mo na ayaw mong sabihin. Bakit ka hinahanap? Bakit natin hinahanap ang iba? Mabuti na lang sa ebanghelyo, napakaganda si Hesus hinanap ang 12 para kanyang maging Apostoles. Hinanap sila para makapiling Niya, makasama Niya. Bigyan ng misyon at isusugo Niya para gumawa ng kabutihan, para pagalingin ang mga may karamdaham, para magpaalis ng masasamang espiritu! Hinananap Niya ang kanyang maisusugo bilang apostoles. Ibang maghanap ang Diyos.

Kapag naghanap ang Diyos ‘yan ay hindi para sirain tayo, hindi para mapahamak tayo! Kapag ang Diyos ang naghanap sa atin, isa lang ang gusto Niya, makapiling tayo at maging katuwang Niya tayo sa kanyang misyon. Sana ganun din tayo maghanapan, sana hanapin natin ang mga kabataan. Hanapin natin ang mga nalulumbay, hanapin natin ang mga walang kaibigan. Hindi para sisihin pa! Hindi para yurakan, hanapin natin para tulad ni Hesus masabi natin gusto kitang kasama at magsama tayo sa paggawa ng kabutihan.

Samahan mo ako para maipahayag ang Mabuting Balita. Iyan po ang isa sa espiritwalidad ni St. John Bosco. Hinahanap niya, katulad ni Hesus ang mga bata na baka hinahanap din ng masamang impluwensya! Kaya siya na ang hahanap sa kanila. At sa pamamagitan ng pagmamahal ng isang ama at sa pagtuturo sa kanila ng pananampalataya napakaraming nakatagpo kay Hesus.

Mga kapatid sino ang hinahanap mo? Bakit mo hinahanap? At ikaw naramdaman mo ba na hinahanap ka ni Hesus? Huwag ka nang magtago kay Hesus. Huwag kang matakot kapag si Hesus ang naghahanap sa ‘yo. Makakaranas ka ng ganap na buhay.

Mga magulang, hinananap niyo pa ba ang mga anak ninyo? Ang asawa ninyo? Sino ang hinahanap ninyo anak o asawa? (Anak!) Kawawa naman ang mga asawa, hanapin ninyo! Hindi para pagalitan, kasi lalu ninyong hindi mahahanap, kapag papagalitan lalung di uuwi. Tanggapin ninyo. Yung mga mister ninyo kapag umuwi, iwanan ninyo muna ang TV, siya muna ang harapin ninyo. Kumain ka na ba? Saka hanapin ang suweldo, siya muna ang hanapin nyo, huwag muna ang suweldo!

Mga bata bakit ninyo hinahanap ang mga kaibigan ninyo? Sana hinahanap ninyo para dalhin sila sa kabutihan. Hanapin mo para dalhin sa kabutihan. Maging instrumento tayo ni Hesus, tulad ni San Juan Bosco, maghanap ng magiging mga apostolate.

Sino po dito ang mga binata pa? Mga binata hinahanap kayo ni Kristo! Huwag kayong magtago-tago pumasok kayo sa seminaryo, pumasok kayo sa mga Don Bosco priests, brothers. Huwag na kayong magtago. Sino ang mga dalaga? Ang gaganda ninyo. Mas gaganda kayo kapag nagmadre kayo! Hinanap kayo ni Hesus, kapag si Hesus ang humanap, huwag magtago. Kapag tinawag ang pangalan, makinig.

Ibig Niya kayong makasama para mabuhay tayo sa Kaniya at makapiling sa kaniyang misyon. Tayo po ay tumahimik sandali at ang ating puso ay ibukas natin kay Hesus. At kung mayroon tayong hinahanap na hindi maganda o masamang binabalak ito’y ilapit natin kay Hesus. Pawiin ang ating hindi magagandang damdamin hilingin na nahanapin Niya tayo, akayain Niya tayo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 15,984 total views

 15,984 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 66,547 total views

 66,547 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 14,711 total views

 14,711 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 71,728 total views

 71,728 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 51,923 total views

 51,923 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 4,825 total views

 4,825 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 4,810 total views

 4,810 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 4,769 total views

 4,769 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 4,823 total views

 4,823 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 4,825 total views

 4,825 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 4,870 total views

 4,870 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 4,779 total views

 4,779 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 4,822 total views

 4,822 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 4,765 total views

 4,765 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 4,777 total views

 4,777 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 4,831 total views

 4,831 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Holy Cross Parish, Makati

 1,955 total views

 1,955 total views Sept. 13 9th day Novena Mass Ngayon po ang huling araw ng pagno-nobena ngayong bisperas ng kapistahan ng Tagumpay ng Krus ni Hesus. Ang atin pong fiesta sa taong ito ay napapaloob sa itinakda ng mga obispo ng Pilipinas bilang tema ng taong ito, walang iba kundi ang ‘Parokya bilang Communion of Communities’

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top