Huwag magtago sa panawagan ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total reads

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang panawagan ni Hesus ay hindi para sa ating kapamahakan kundi upang makasama at maging katuwang sa pagmimisyon.

Umaasa si Cardinal Tagle na ang pakay ng ating paghahanap sa araw-araw ay ang paghahanap ng katuwang para gumawa ng kabutihan sa kapwa at hindi para sa kasamaan.

“Hanapin natin ang mga nalulumbay, hanapin natin ang mga walang kaibigan. Hindi para sisihin pa! Hindi para yurakan, hanapin natin para tulad ni Hesus masabi natin gusto kitang kasama at magsama tayo sa paggawa ng kabutihan. Samahan mo ako para maipahayag ng Mabuting Balita,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay sa street mass ng St. John Bosco Parish Makati sa Zone 7 bilang paghahanda sa kapistahan ni St. John Bosco.

“Iyan po ang isa sa espiritwalidad ni St. John Bosco. Hinahanap nya, katulad ni Hesus ang mga bata na baka hinahanap din ng masamang impluwensya! Kaya siya na ang hahanap sa kanila. At sa pamamagitan ng pagmamahal ng isang ama at sa pagtuturo sa kanila ng pananampalataya napakaraming nakatagpo kay Hesus,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Tulad ni St. John Bosco, hinanap nito ang mga kabataan para makatagpo si Hesus.

Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang mga kabataang babae at lalaki na pakinggan ang tawag ni Kristo lalu na sa pagpasok sa bokasyon ng pagmamadre at pagkapari nang maging katuwang ni Hesus sa pagmimisyon.

“Kapag tinawag ang pangalan, makinig. Ibig Niya kayong makasama para mabuhay tayo sa Kaniya at makapiling sa kaniyang misyon,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ang ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons: Renewed Servant Leaders’ na bahagi ng paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

Una na ring inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kabilang sa tatalakayin sa pulong ng mga obispo ang inilabas na panuntunan ng Vatican para sa seminary ang ‘Ratio Fundamentalis Institutionis Sacerdotalis’ o ‘The Gift of Priestly Vocation’ na gaganapin sa Cebu City ngayong Enero.

Umaasa din si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles na malaki ang maitutulong nito para mapag-ibayo ang bokasyon sa bansa na tinatayang may higit sa 10,000 mga pari base na rin sa tala ng 2017 Catholic Directory.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,955 total reads

 41,955 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,100 total reads

 92,100 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,971 total reads

 139,971 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,920 total reads

 243,920 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,874 total reads

 327,873 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top