Kalinga sa Sektor ng Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total views

Kapanalig, ang pandemya ay patuloy na sumusubok sa kakayahan ng ating sektor pang-kalusugan. Sa pagkahaba-haba ng health crisis na ito, ilang beses na halos sumuko ang maraming hospital sa ating bayan.

Ang pandemya ay nagpapalala ng mga suliranin na matagal ng nararanasan ng sektor. Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), medyo napapag-iwanan na tayo ng ating mga karatig bansa sa ASEAN pagdating sa critical health outcomes and access indicators.”

Kailangang harapin din ang mga hamon na matagal ng naka-ambang sa health sector, gaya ng mga puwang o gaps sa health financing, health service delivery, governance, at health human resources.

Nakita sa pagsusuri na limitado ang bilang ng mga hospital beds—kailangan pa ng mga 400,000 hospital beds upang makamit ang kailangan na 2.7 beds kada isang libong tao. Hirap din maka-access ang karamihan sa mga health facilities. Kalahati lamang ng mga Filipino ang nakakayanang maka-access ng primary health care sa loob ng 30 minuto, na tinakdang standard time ng gobyerno. Kailangan din maitaas pa ang health spending ng bayan, na napapag-iwanan na rin ng mga karatig bansa natin sa ASEAN.

At ngayong panahon ng pandemya, mas lalo nating nakita ang kahalagahan ng human resources sa sector. 90%  ng mga rural health units o primary healthcare natin ay may isang doktor, pero marami pa rin ang walang nurse o kumadrona. Isa rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit mababa ang ating score sa WHO preparedness for public health emergencies. 53% lamang ang score natin dito, na isa sa mababa sa ASEAN.

Matinding na suporta ang kailangan ng ating health sector, kapanalig. Ang kabayanihan at dedikasyon ng mga manggagawa nito ay kailangan nating mabigyan ng karampatang suhay – kung baga sa bangka, kailangan nila ng katig upang diretsong makapagserbisyo.

Kailangan din ng kalinga ng sektor na nagtitiyak ng kalusugan ng bayan. Karampatang suweldo para sa mga manggagawa, karampatang bilang ng manpower at pasilidad, at mas mataas na investments o pamumuhunan sa sektor ang kailangan ngayon. Ang mga manggagawa sa sektor ay ating mga frontliners: taga-sangga sa pangunahing banta sa ating mga mamamayan ngayon. Upang lalo natin silang mapalakas, iprayoridad natin ang kanilang pangangailangan. Ayon nga mismo kay Pope Francis sa kanyang pahayag mula sa Vatican noong June 20, 2020: ang mga doktor, nurses, at healthworkers  ay “a visible sign of humanity that warms the heart.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 15,952 total views

 15,952 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 15,952 total views

 15,952 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 15,952 total views

 15,952 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 15,374 total views

 15,374 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 13,910 total views

 13,910 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 15,953 total views

 15,953 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 15,953 total views

 15,953 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 15,953 total views

 15,953 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 15,375 total views

 15,375 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top