Political dynasty, sakit na umaatake sa demokrasya ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,396 total reads

Ang patuloy na pag-iral ang political dynasty sa bansa ay maituturing na isang sintomas ng sakit na umaatake sa demokrasya ng Pilipinas na dapat na masolusyunan.

Ito ang binigyang diin ni incoming Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity Chairman Diocese of Tarlac Bishop Enrique Macaraeg sa panibagong serye ng online conversation ng implementing arm ng komisyon bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Obispo, ang pag-iral ng political dynasty ay isang tahasang paglabag sa demokrasya ng bansa na sa kasalukuyan ang tila pinatatakbo at pinangangasiwaan lamang ng iilang pamilya at angkan.

“Political dynasties however by the symptom of the greater ill in our society, we claim to be a democracy but it is a democracy run and rule by a few,” ang bahagi ng pahayag ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg sa naganap na online conversation ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Paliwanag ng Obispo, bagamat walang katiyakan na mawawakasan ang pag-iral ng political dynasty sa bansa ay hindi naman ito nangangahulugan na mawawalang saysay ang pagsusumikap ng lahat na mawakasan ito sa hinaharap.

Giit ni Bishop Macaraeg, naaangkop lamang na simulan na ng bawat isa ang pagpupunla at pagbubukas ng kamalayan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa maling epekto sa lipunan ng tila pagpapasahan lamang ng posisyon sa pamahalaan ng iisang pamilya o angkan.

Pagbabahagi pa ng Obispo, mahalaga ring malaman ng bawat mamamayan na ang pag-iral ng political dynasty sa bansa ay isang balakid upang magkaroon ng pagkakataon ang iba pang may kakayahan, kaalaman at mabuting intensyon na makapaglingkod para sa kabutihan ng bayan.

“Shall we ever get to see the end of political dynasties, perhaps not even in our lifetime but it is important that we begin to sow seeds in the hearts and minds of the people, we begin today to give hope that political dynasties could be ended, the other have to be given the chance, the opportunity to serve the people to make government actually function to the good of common people,” dagdag pa ni Bishop Macaraeg.

May titulo ang panibagong serye ng online conversation ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na “Bago Naman SIR sa 2022” kung saan tinalakay ang usapin ng patuloy na umiiral na political dynasty sa bansa bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Una ng binigyang diin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan upang maisulong ang mabuting pamamahala sa bansa at tapat na halalan sa susunod sa taon lalo na’t bukod sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga senador ay kabilang rin sa kinakailangang ihalal ay ang bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na mangangasiwa sa pamamahala sa Pilipinas sa susunod na anim na taon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,375 total reads

 16,375 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,246 total reads

 17,246 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,884 total reads

 33,884 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,261 total reads

 71,261 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,530 total reads

 102,530 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,614 total reads

 177,614 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,172 total reads

 270,172 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,398 total reads

 26,398 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top