Kalinga sa Sektor ng Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

Kapanalig, ang pandemya ay patuloy na sumusubok sa kakayahan ng ating sektor pang-kalusugan. Sa pagkahaba-haba ng health crisis na ito, ilang beses na halos sumuko ang maraming hospital sa ating bayan.

Ang pandemya ay nagpapalala ng mga suliranin na matagal ng nararanasan ng sektor. Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), medyo napapag-iwanan na tayo ng ating mga karatig bansa sa ASEAN pagdating sa “critical health outcomes and access indicators.”

Kailangang harapin din ang mga hamon na matagal ng naka-ambang sa health sector, gaya ng mga puwang o gaps sa health financing, health service delivery, governance, at health human resources.

Nakita sa pagsusuri na limitado ang bilang ng mga hospital beds—kailangan pa ng mga 400,000 hospital beds upang makamit ang kailangan na 2.7 beds kada isang libong tao. Hirap din maka-access ang karamihan sa mga health facilities. Kalahati lamang ng mga Filipino ang nakakayanang maka-access ng primary health care sa loob ng 30 minuto, na tinakdang standard time ng gobyerno. Kailangan din maitaas pa ang health spending ng bayan, na napapag-iwanan na rin ng mga karatig bansa natin sa ASEAN.

At ngayong panahon ng pandemya, mas lalo nating nakita ang kahalagahan ng human resources sa sector. 90%  ng mga rural health units o primary healthcare natin ay may isang doktor, pero marami pa rin ang walang nurse o kumadrona. Isa rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit mababa ang ating score sa WHO preparedness for public health emergencies. 53% lamang ang score natin dito, na isa sa mababa sa ASEAN.

Matinding na suporta ang kailangan ng ating health sector, kapanalig. Ang kabayanihan at dedikasyon ng mga manggagawa nito ay kailangan nating mabigyan ng karampatang suhay – kung baga sa bangka, kailangan nila ng katig upang diretsong makapagserbisyo.

Kailangan din ng kalinga ng sektor na nagtitiyak ng kalusugan ng bayan. Karampatang suweldo para sa mga manggagawa, karampatang bilang ng manpower at pasilidad, at mas mataas na investments o pamumuhunan sa sektor ang kailangan ngayon. Ang mga manggagawa sa sektor ay ating mga frontliners: taga-sangga sa pangunahing banta sa ating mga mamamayan ngayon. Upang lalo natin silang mapalakas, iprayoridad natin ang kanilang pangangailangan. Ayon nga mismo kay Pope Francis sa kanyang pahayag mula sa Vatican noong June 20, 2020: ang mga doktor, nurses, at healthworkers  ay “a visible sign of humanity that warms the heart.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 78,265 total reads

 78,265 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,465 total reads

 156,465 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,912 total reads

 189,912 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,209 total reads

 225,209 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,604 total reads

 448,604 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 78,266 total reads

 78,266 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,466 total reads

 156,466 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,913 total reads

 189,913 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,210 total reads

 225,210 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top