Kalusugan, isaalang-alang ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 533 total views

Nilinaw ng CBCP Episcopal Commission on Health Care na hindi kinakailangan pilitin ng mga taong may karamdaman at may mga edad na magsagawa ng abstinence o fasting ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Rev.Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng Komisyon, bagamat hinihimok ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na magsagawa ng pag-aayuno sa pamamagitan ng Fasting o Abstinence bilang pakikiisa sa paghihirap ni Hesu-Kristo, hindi naman ito kailangan ipilit lalo na kung ang isang indibidwal ay kinakailangan kumain para sa kanyang pangangailangang pangkalusugan.

“Kung ito ay delikado na sa iyong kalusugan ikaw ay may pinagdadaanan na pagpapagaling at kailangan mong kumain, kailangan mo ng nutrisyon, may iba’t-ibang paraan tayo kung paano magsakripisyo. tingnan natin kung ano ang ibig sabihin talaga kung bakit kailangan mag-fasting, bakit kailangang mag abstinence, bakit kailangan ng alms giving.”pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas 846.

Naniniwalai si Father Cancino na maraming ibang pamamaraan para magsagawa ng pakikibahagi sa diwa ng kuwaresma maliban sa pag-aayuno basta’t ang layunin at tunay na niloloob nito ang mangibabaw sa isang mananampalataya.

“Ang pinaka puso, yung sakripisyo, yung pagbibigay ng sarili, yung taos-puso na nagbibigay tayo ng sarili natin sa Diyos at magbibigay din tayo ng sarili natin sa mga minamahal ng Diyos sa iyong kakayahan kung ikaw ay may sakit kung ikaw ay may limitasyon meron kang pwedeng gawing sakripisyo na hindi talaga nakakasama din sa iyong kalusugan.”dagdag pa ni Fr. Cancino.

Tiniyak ng Pari na kinokonsidera ng Simbahan ang layunin ng pag-aayuno higit sa pamamaraan ng pagsasagawa nito.

Gayunpaman, hinihimok ng komisyon ang bawat mananamapalataya na ibahagi ang ating mga sarili sa kapwa ngayong panahon ng kuwaresma.

Magugunitang ang Simbahang katolika ay may iba’t-ibang programa kasabay ng lenten season gaya ng Hapag-Asa feeding Program at Alay Kapwa.

Sa pamamagitan ng hapag-asa ay libo-libong mga malnoursihed children ang napapakain ng Simbahang katolika habang dahil naman sa Alay Kapwa ay nakakatugon ito sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad at mga mahihirap.

Ipinaalala ni Caritas Philippines national director Nueva Caceres Archbishop Rolando Tirona na ang pagtulong sa kapwang nangangailangan ang tunay na diwa ng Kuwaresma.

Read: http://www.veritas846.ph/pagtulong-sa-mga-nangangailangan-diwa-ng-kuwaresma/

Tinatayang mahigit sa 80 porysento ng populasyon sa Pilipinas ay itinuturing na mga katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 49,131 total views

 49,131 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 49,131 total views

 49,131 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 49,131 total views

 49,131 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 47,628 total views

 47,628 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 43,503 total views

 43,503 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 68,932 total views

 68,932 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top