Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan, sandata ng mamamayan sa pinsala ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

 1,761 total views

Pangangalaga ng kalikasan ang isa sa mga dapat maging sandata ng mamamayan upang makaiwas sa pinsala ng kalamidad.

Ito ang paniniwala ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona kaugnay sa kanilang mga ginagawang kahandaan sa Arkidiyosesis ng Caceres na madalas na nakakaranas ng mga mapaminsalang bagyo at iba pang banta sa kalikasan.

Ayon kay Archbishop Tirona, bahagi ng kanilang disaster management and preparedness program ang pagpapataas sa kamalayan ng publiko kaugnay sa pangangalaga ng sanilikha.

Iginiit ng Arsobispo na ang suliranin sa kalamidad ay dulot din ng kapabayaan sa kalikasan na dapat maging parte ng pagpapalaganap ng edukasyon sa kahandaan sa kalamidad.

Tiniyak ni Archbishop Tirona na hindi kakaligtaan ng Simbahang Katolika ang pagtulong at pagdamay sa mga nangangailangan lalo na sa mga naapektuhan ng bagyo at iba pang banta ng kalamidad.

“Yan ang pinaka sabihin natin na bilang ng aming Social Action ‘yun Disaster Management and [preparedness] madalas kami may bagyo kaya ang aming SAC meron na siyang talagang structure para maghanda sa sakuna either sa pagtulong at sa early recovery higit sa lahat yun awareness ng mga tao na mapangalagaan ang kalikasan malaking bagay yan kasama sa pag-prepare namin sa disaster equally we want to emphasize the importance of mother nature, the gift of creation,” pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Radyo Veritas 846.

Sa katatapos lamang na 40th National Social Action General Assembly 2022 na inorganisa ng Caritas Philippines, bahagi sa mga tinalakay ng mga kinatawan ng bawat Diyosesis ang mga programa kaugnay sa Disaster Response at kung paano pa ito mas mapapalago ng bawat rehiyon sa bansa.

Magugunitang batay sa pag-aaral, tinatayang nasa 20 bagyo kada taon ang pumapasok sa Pilipinas maliban pa sa banta ng mga volcanic eruption at paglindol.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,346 total views

 9,346 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,446 total views

 17,446 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,413 total views

 35,413 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,737 total views

 64,737 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,314 total views

 85,314 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 21,557 total views

 21,557 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 39,855 total views

 39,855 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top