SAMBI, paiigtingin ng ZamBaZulI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total reads

Paiigtingin ng mga diyosesis sa timog-kanlurang bahagi ng Mindanao ang pagtulong sa mga mahihirap partikular na sa mga katutubong Badjao.

Ito ay sa pamamagitan ng Social Action Ministry Barter Initiative (SAMBI) na programa ng Arkidiyosesis ng Zamboanga, Prelatura ng Isabela de Basilan, Apostolic Vicariate ng Jolo, Sulu, at ang Diyosesis ng Ipil (ZamBaSulI) na inihalintulad sa kindness station ng Caritas Philippines.

Ayon kay Jolo social action director Fr. Raul Veneracion, layunin ng SAMBI na pakainin ang mga nasa mahihirap na pamayanan lalo na ang mga Badjao na likas na naninirahan sa Mindanao.

“Kung pupunta po kayo sa lugar namin especially sa Sulu and Tawi-Tawi, wala kayo ni isang Badjao na makikita na malaki ang tiyan at mataba. Karamihan ng makikita niyo ay payat. Bakit? Hindi po balanse ang kanilang pagkain,” ayon kay Fr. Veneracion sa ginanap na 40th National Social Action General Assembly (NASAGA) sa General Santos City, South Cotabato.

Batay sa tala ng Social Weather Station, umabot sa 13-porsyento ang bilang ng mga nagugutom na pamilya sa Mindanao sa unang bahagi ng 2022.

Mas tumaas pa ito kumpara sa nakalipas na pagsusuri ng SWS noong Disyembre 2021 kung saan nasa 12-porsyento ang nagugutom sa rehiyon.

Nilinaw naman ni Fr. Veneracion na hindi lamang pagkain at iba pang mapapakinabangan ang maaaring ibahagi sa SAMBI kundi maging ang oras at talento ng mga nais maging volunteer upang mas mapalawak at mapalaganap pa ito sa mga saklaw na komunidad ng ZamBaSulI.

“Ito po ‘yung barter na hindi dole out na kukuha ka lang. Dapat mayroon kang ibibigay. Kung wala kang pambigay, ang ‘yong ibibigay ay pwedeng oras, pwedeng talento. Balak po namin ‘yan palaganapin sa apat na lugar na nasasakupan ng ZamBaSulI,” ayon sa pari.

Kabilang ang ZamBaSulI sa nanalo ng P500,000 halaga ng proyekto mula sa ginanap na NASAGA ng NASSA/Caritas Philippines upang suportahan ang kanilang programa sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,217 total reads

 84,217 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,388 total reads

 118,388 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,688 total reads

 153,688 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,957 total reads

 379,957 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,892 total reads

 268,892 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,332 total reads

 155,332 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top