Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,088 total views

Kapanalig, minsan kailangan nating suriin ang ating sarili, ang ating pamayanan, at ang lipunan bago tayo maghain ng proposal na sa tingin natin ay makakabuti sa nakararami. Dapat hindi lamang maka-isa o dalawang beses gawin ito lalo na kung ang ihahain mong suhestiyon o batas ay death penalty para pababain ang kriminalidad at ipalaganap ang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa. Ang tanong kasi ng maraming maralitang Pilipino, hindi ba’t tila death penalty na rin ang mamuhay ng maralita? Tunghayan natin ang datos:

Ayon sa State of the World’s Mothers 2015 ng Save the Children, ang mga bata sa mga urban slums ay “twice as likely to die before they reach the age of five as their richer counterparts.” Mas tumataas ang antas ng child mortality sa slum areas dahil sa malnutrisyon na mas pinalala pa ng mga karaniwang sakit gaya ng diarrhea at respiratory infections. Kung idadagdag pa sa usapan ang napakahirap na access sa mga health facilities, lalo na kung ikaw ay nasa mga probinsya, parang sinigurado mo na rin ang kanilang pagkakahimlay.

Sa ating bansa, mas lumala ang malnutrisyon. Ayon sa pinakahuling datos, nasa 26.2% ang malnutrition rate ng mga batang may edad 0-2 sa ating bansa. Ang overall chronic malnutrition rate o stunting rate para naman sa mga batang may edad lima pababa ay tumaas mula sa 33.5% noong 2016 mula sa 30.55 noong 2013. Ang malnutrition, stunting, at wasting kapanalig, ay hindi lamang sumisira ng katawan ng bata. Ito rin ay may epekto sa mental at cognitive development ng mga bata. Tayo nga hirap maka-isip at makagalaw kapag gutom, paano pa kaya ang batang lagi na lamang walang makain? Hihina at pupurol ang kanilang mental abilities, na isa na namang dagok, tila naka-akmang death sentence na rin. Ano naman kaya ang kanilang kinabukasan kung hirap silang makagalaw at makapag-aral dahil laging gutom?

Kapanalig, mahirap labanan ang malnutrisyon lalo na kung gutom ang isa pa rin sa tuwinang problema ng bansa. Base sa pinakahuling survey ng SWS naman, 3.1 milyong pamilya, kapanalig, ang nakaranas ng gutom nitong huling quarter ng 2016. Pamilya, kapanalig. Ang karaniwang laki ng ating pamilya ay 4-6 persons.

Kung maka-alpas sa gutom at malnutrisyon ang karaniwang maraling Pilipino, marami pang balakid ang kailangan niyang suwagin upang mabuhay ng maayos at malaya sa bansa. Homelessness kapanalig, ay isa sa mga ito. Isipin na lamang natin kung magkano ang presyo ng isang maliit na bahay sa mga urban centers o malalapit na lugar at ikumpara sa sweldo ng karaniwang maralitang Pilipino. Gaano ba kalayo ang distansya sa pagitan nila? Sabihin mong one million pesos ang halaga ng bahay at lupa, o kahit kalahating milyon: ilang taon bago ito maabot ng isang karaniwang pamilyang Pilipinong may average income na P22,000 (base sa PSA) at may 4.6 average size? Ang pagitan ay tila kasing layo sa distansya ng trabaho at ng mga relocation sites na ating inaalok sa kanila.

Walang bahay, maliit na sweldo, kulang na access sa batayang serbisyo, at gutom. Ito ay ilan lamang sa mga isyu na unti unting nagpapadilim sa liwanag ng buhay ng maraming mga pamilyang Pilipino. Kamatayan na rin ito para sa marami sa kanila. Ang death penalty, kung ito ay ating itutuloy, ay isa na namang dagok sa buhay maralita. Ang death penalty ay anti-poor: sila ang walang kalaban-laban dito. Ayon sa Free Legal Assistance Group, 73% ng mga 1,121 inmates na nasa death row noong 2006 ay kumikita ng mas maliit pa sa P10,000 kada buwan. At nasa death row man, hindi lahat sila ay tunay na may kasalanan.

Buhay ba ang dapat ipambayad sa mga kahindik hindik na kasalanan? Kung ganoon, sino ba dapat ang mauna, ang mga maralitang naitulak ng kahirapan sa kulungan, o ang nasa kapangyarihan bumuo ng sistemang nagpapabobo at nagpapahirap ng lipunan? Ano ba ang mas karumaldumal na kasalanan dito?

Ang death penalty ay nagtutulak ng culture of death na walang dulo at walang katapusan kung yayakapin natin ito. Bigyang pansin natin ang gabay ng Caritas in Veritate ng dating Pope Benedict: Talikuran natin ang kultura ng kamatayan. Binibigyan tayo nito ng maling pag-unawa sa tunay na kahulugan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 44,643 total views

 44,643 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 66,648 total views

 66,648 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 90,990 total views

 90,990 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 114,238 total views

 114,238 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 146,705 total views

 146,705 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAG-ASA

 44,644 total views

 44,644 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 66,649 total views

 66,649 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 90,991 total views

 90,991 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 114,239 total views

 114,239 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »
Scroll to Top