Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kampanyang batay sa haka-haka?

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Mga Kanapalig, may pahiwatig na naman si Pangulong Duterte na bigo ang kanyang administrasyong sugpuin ang problema ng ilegal na droga. Noong nakaraang linggo, sinabi niyang lumala raw ang problema sa droga sa ating bansa, at maaaring matulad tayo sa bansang Mexico kung saan namamayagpag ang mga drug cartels o sindikato ng droga.

Gaano katotoo ang paghahalintulad na ito ng ating pangulo? Mayroon kaya siyang matibay na batayan upang sabihin iyon?

Ang kampanya laban sa iligal na droga ay masasabing pinakatampok na programa ng administrasyong Duterte. Marami ang naniwala sa kanyang sinabi noong kampanyang mawawala ang bawal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Pagkatapos ng isang taon noong 2017, inamin niyang “miscalculation” o maling pagtatantya ang maikling panahong ipinangako niya upang lutasin ang problema sa droga. Ngayong tatlong taon na siyang nasa puwesto, sinasabi sa atin ngayon ni Pangulong Duterte na nariyan pa rin ang problema at naging mas matindi pa ito sa kabila ng marahas at magastos na kampanya ng pamahalaan kontra droga at sa kabila ng pagkasawi ng libu-libong suspek na pinagkaitan ng tamang proseso ng batas.

Iba sa pananaw ni Pangulong Duterte ang pananaw ng pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. Para sa kanya, malinaw na nagwawagi tayo sa laban kontra droga kung ang pagbabatayan natin ang bilang ng mga inaresto, mga nag-surrender sa mga awtoridad, at mga barangay na idineklarang “drug-free”, gayundin ang kabuuang halaga ng ipinagbabawal na gamot na nasabat sa mula sa mga nahuling high value targets at high-impact operations ng PDEA. Natuon daw marahil ang atensyon ni Pangulong Duterte sa bilyong-halaga ng drogang nasasamsam sa mga operasyon ng awtoridad. Dagdag pa ng hepe ng PDEA, sa dami at laki ng halaga ng mga nakuhang droga, hindi malayong maisip ng sinuman na tila nga lumalala ang drug situation sa bansa. Isabay pa rito ang mga balita tungkol sa mga tinaguriang “floating cocaine” o mga bloke ng cocaine na natagpuang palutang-lutang sa dagat ng Dinagat Island, Siargao, at Camarines Norte noong Pebrero.

Nagdudulot ng kalituhan ang magkasalungat na pahayag ni Pangulong Duterte at ng PDEA. Hindi natin malaman kung gaano nga ba kalaki pa ang problema natin sa droga, bagay na itinatanong ng marami noong pang nagsisimula ang marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa droga. Paano nga ba malalaman ang angkop at epektibong solusyon sa isang problema kung wala namang malinaw na datos at ebidensya ng lawak at laki nito? Hindi kaya mas lumalalâ ang problema natin sa ipinagbabawal na gamot dahil batay lamang ang tugon ng pamahalaan sa mga exaggeration at haka-haka ng ating mga lider? Mula nang magsimula ang “war on drugs” ng administrasyon, makailang ulit nang nag-iiba-iba ang tinatayang bilang ng mga gumagamit at nagtutulak ng droga. Kaya hindi nakapagtatakang sa halip na ayusin ang datos upang magkaroon ng matibay na batayan ang programang ito, naging abala ang administrasyon sa paglalabas ng narco-lists.

Mga Kapanalig, mahalagang nakabatay sa totoong ebidensya ang mga patakaran ng pamahalaan dahil buhay ng tao at ang kinabukasan ng bayan ang nakataya. Paano natin masasabing tama ang inihahaing solusyon ng ating mga lider kung batay lamang iyon sa kanilang haka-haka? Paano itinataguyod ng pamahalaan ang karapatan at dignidad ng mga mamamayan kung kapritso lamang ng isang tao ang ginagawang batayan ng mga hakbangin nito? Paalala nga ni Saint John XXIII sa Pacem in Terris, bigo ang isang pamahalaang gampanan ang tungkulin nito kung hindi nito kinikilala ang karapatan ng mga pinaglilingkuran nito. At nalalabag ang mga karapatang ito kung hindi nakatungtong sa katotohanan ang mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 131,957 total views

 131,957 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 139,732 total views

 139,732 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 147,912 total views

 147,912 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 162,591 total views

 162,591 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 166,534 total views

 166,534 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 131,958 total views

 131,958 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 139,733 total views

 139,733 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 147,913 total views

 147,913 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 162,592 total views

 162,592 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 166,535 total views

 166,535 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 64,461 total views

 64,461 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 78,632 total views

 78,632 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 82,421 total views

 82,421 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 89,310 total views

 89,310 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 93,726 total views

 93,726 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 103,725 total views

 103,725 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 110,662 total views

 110,662 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 119,902 total views

 119,902 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 153,350 total views

 153,350 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 104,221 total views

 104,221 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top