Papal Nuncio, pangungunahan ang installation ng ika-7 Military Ordinariate.

SHARE THE TRUTH

 529 total views

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang pormal na pagtatalaga o installation ni Bishop Oscar Jaime Florencio bilang ika-7 Military Ordinariate of Philippines sa St.Ignacius de Loyola Cathedral, Camp Aguinaldo,Quezon City ngayong araw ika-3 ng Abril, 2019.

Magiging main preside ng rites at banal na misa si Archbishop Caccia at si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle naman ang magho-homily.

Live na mapapanood at mapapakinggan ang installation ni Bishop Florencio sa www.veritas846.ph.

Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ni Bishop Florencio na mahalaga ang pagkakatalaga sa kaniya ni Pope Francis upang magabayan ang mga Pastol ng Simbahan sa iba’t-ibang Chaplainces sa mga Kampo ng Armed Forces of the Philippines at Philippines National Police.

“This is very significant dahil it can boost the morale of the chaplains na mayroon silang Bishop and Shepherd,” bahagi ng panayam kay Bishop Florencio sa Radio Veritas.
Mahalaga rin ito sa paggunita ng Kuwaresma, ang apatnapung araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Sinabi ni Bishop Florencio na malaking gampanin na mangangasiwa sa mga gawain sa buong Kuwaresma at matiyak na ito ay maipatutupad ng nakasusunod sa liturhikal na alituntunin.

Mahalaga sa mga Pari sa buong mundo ang Mahal na Araw partikular ang Chrism Mass kung saan sasariwain ang kanilang sinumpaang katungkulan bilang mga lingkod ng Panginoon.

“It is significant also because during this lenten season dahil dito po ang renewal of vows ng mga chaplain on their commitments and they will have to renew that with their new Bishop,” dagdag pa ni Bishop Florencio.

DIWA NG KUWARESMA

Hinimok din ng Obispo ng Military Diocese ang mga mananampalataya na isapuso ang paggunita ng Kuwaresma upang higit na mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagpapatawad, pagninilay at pagkakawanggawa sa kapwa.

Inihayag ng Obispo na marapat pagnilayan ng tao ang bawat ginagawa lalo na sa mga tagapagpatupad ng batas upang nababatay sa katuruan ng Simbahan at kalooban ng Panginoon ang magiging bunga nito.
“I think it will be good also to consider na ang ating mundo ang ating lipunan ngayon actually needs sometime going deeper into one’s self introspection, so that whatever we do ito ay bunga ng ating pananampalataya,” ani ni Bishop Florencio.

Sinabi pa ng Obispo na ang pagtitiwala, pagkakaisa at pag-uunawaan ng mamamayan ay magdudulot ng panibagong buhay sa pamayanan na makatutulong sa pag-unlad hindi lamang sa Simbahan kundi maging sa lipunang kinabibilangan.

Si Bishop Florencio na itinalagang pinuno ng Military Ordinariate of the Phililippines noong ikalawa ng Marso ay ang ikapitong Obispo ng military diocese na mangangasiwang pastoral sa mga Katolikong naglilingkod sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coastguard, Philippine National Police.

Sa tala ng Catholic Hierarchy ang military diocese ay binubuo ng higit 120 mga Pari na naitalaga sa 65 mga Parokya sa buong bansa.

Bilang Obispo, nakapagtapos ito ng Doctorate in Sacred Theology sa Pontifical University of the Holy Cross sa Roma.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 328 total views

 328 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,689 total views

 25,689 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,317 total views

 36,317 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,338 total views

 57,338 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,043 total views

 76,043 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 58,002 total views

 58,002 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 83,817 total views

 83,817 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 125,380 total views

 125,380 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top