Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karaoke sa Senado?

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Mga Kapanalig, sa isang pagdinig na ginawa ng Senado tungkol sa krisis sa tubig na nararanasan sa maraming bahagi ng Metro Manila, pinuna ni Senadora Grace Poe ang aniya’y “incompetence” ng pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS. Sabi ng senadora, hindi raw talaga mahahanapan ng solusyon ng mga taga-MWSS ang kakulangan sa suplay ng tubig dahil puro raw abogado ang namamahala ng ahensya at gumagawa ng desisyon.

Kung lubhang mahalaga para sa senadora na akma dapat ang kakayahan ng mga namumuno ng mga ahensya ng pamahalaan sa iniatang sa kanilang trabaho, mukhang hindi na niya kailangang lumayo sa kanyang opisina. Ilan kaya sa kanilang bumubuo ng Senado ang nakauunawa sa kanilang tungkulin na bumuo ng maayos na mga batas at bantayan ang kapangyarihan ng iba pang sangay ng pamahalaan? Ilan sa kanila ang may sapat na kakayahang sumulat ng batas at kaya itong ipaliwanag sa kanyang kapwa mambabatas? Bagamat sinasabi sa batas na karapatan ng sinumang maging lingkod-bayan at mahalal ng taumbayan, hindi kailáng may mga naluluklok sa puwesto dahil lamang sa sila ay sikat na artista o boksingero, o kaya nama’y anak ng isang kilalang artista o pulitiko. Hindi sila naihahalal dahil sa kanilang angking kakayahan tulad ng hinahanap ni Senadora Poe sa mga taga-MWSS.

At kahit kay Pangulong Duterte, hindi mahalaga ang kakayahan ng isang kandidato upang maging mambabatas. Kung para sa kanyang anak, walang problema kung ang mga tumatakbong senador ay sinungaling, para kay Pangulong Duterte, walang problema kung talento sa pagkanta ang batayan upang pumili tayo ng senador. Sa isang okasyon sa Mindanao, sinabi ni Pangulong Duterte na mas karapat-dapat na maging senador ang isang mang-aawit na nagpasikat ng maraming kanta kaysa sa isang human rights lawyer na kilalang tumutulong sa mga mahihirap. Payo pa ng pangulo sa ating mga botante, gamitin daw natin ang ating sentido kumon, ang ating common sense, sa pagpili ng mga senador ng bayan. Hindi napigilan ng pinatutungkulan niyang kandidato na sabihing ang Senado ay isang opisina kung saan ginagawa ng mga batas at hindi isang karaoke bar.

Ngunit sa totoo lang, lumipas na ang panahong ang seryosong pinag-uusapan at pinagdedebatehan ng mga senador ang mga panukalang batas upang sama-samang marating ang pinakamainam na bersyon ng batas. Nakalulungkot na ang nalalaman na lamang natin tungkol sa ating senador ngayon ay kung saang pelikula sila lalabas, kailan ang kanilang laban sa boksing, o kung anong kontrobersya ang kinasasangkutan nila.

May kasabihan ngang, “We get the government we deserve.” Ang kakayahang ipinamamalas ng ating mga lider—o kawalan nila nito—ay salamin hindi lamang ng kalidad ng kanilang pamumuno. Salamin din iyon ng ating mga sarili, ng ating pagpapahalaga—o kawalan ng pagpapahalaga—sa kakayahang mamuno ng mga inihahalal natin. Paano tayo makaaasa ng malinis na pamahalaan kung mga tiwali at magnanakaw ang ihahalal natin? Paano tayo magkakaroon ng makataong mga patakaran kung mga taong walang pagpapahalaga sa buhay ng tao ang ilalagay natin sa puwesto? Paano mabibigyan ng pagkakataon ang lahat na guminhawa sa buhay kung pinipili natin ang mga pulitikong inuuna ang interes ng kanilang negosyo o mga kaibigan? Paano natin paiiralin ang batas kung ang susulat ng mga ito ay wala namang kakayahang intindihin ang tunay na layunin ng batas?

Mga Kapanalig, sabi nga ni St John Paul II, ang demokrasya ay tuluy-tuloy na pagsubok sa kapasidad ng mga mamamayang pamahalaan ang kanilang sarili sa mga paraang naglilingkod sa kabutihan ng lahat at ng bawat isa. Kaya’t mahalagang ang mga pinipili nating maglingkod sa bayan ay ang mga taong kayang ipagtanggol ang katotohanan at ang ating mga pinahahalagahan bilang isang bayan. At hindi ito mangyayari sa isang senadong karaoke bar.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,982 total views

 9,982 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,463 total views

 17,463 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,603 total views

 30,603 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,576 total views

 36,576 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 42,330 total views

 42,330 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,983 total views

 9,983 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,464 total views

 17,464 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,604 total views

 30,604 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,577 total views

 36,577 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 42,331 total views

 42,331 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,804 total views

 40,804 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,888 total views

 41,888 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,269 total views

 37,269 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,273 total views

 49,273 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,315 total views

 57,315 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,872 total views

 48,872 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,297 total views

 47,297 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,083 total views

 49,083 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,008 total views

 46,008 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,322 total views

 60,322 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top