Magbabakasyon sa Baguio, hinikayat na makiisa sa Easter Triduum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

Inaanyayahan ng Diyosesis of Baguio ang mga mananampalatayang tutungo sa tinaguriang ‘Summer Capital’ ng Pilipinas na makiisa sa mga banal na gawain sa panahon ng Easter Triduum.

Ayon kay Bishop Victor Bendico, hindi dapat kalimutan ng mga mananampalataya ang tunay na diwa ng pagdiriwang kung saan inaanyayahan ang bawat isa na makipag kaisa kay Hesukristo.

“I would like to invite the faithful particularly those who intend to go to Baguio during the Holy Week to attend the different celebrations, and as much as this would be a good time for us to reflect on the Passion, the death and the resurrection of Jesus,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Ipinaalala ng Obispo sa mamamayan na maging mahinahon at mapagpasensiya sa masikip na daloy ng trapiko sa mga lansangan bunsod ng dami ng turistang nagpupunta dahil sa mahabang bakasyon.

Pinayuhan ni Bishop Bendico ang mamamayan na sa bawat paghihirap at hamon na kinakaharap ay i-alay ito kay Hesukristo bilang pakikiisa sa paghihirap na kanyang dinanas ng tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan.

“If we offer them in oneness to the Good Lord our sufferings and pain would become fruitful and redemptive for each and everyone,” ani ni Bishop Bendico.

RELIGIOUS ATMOSPHERE

Ayon pa kay Bishop Bendico, may mga gawain na inihanda ang mga Parokya sa Baguio City at Benguet kung saan maaaring makiisa ang mga magbabakasyon bilang pag-aalala sa pagtubos ni Kristo sa sanlibutan.

Tinukoy ng Obispo ang Easter Triduum o mula Huwebes Santo kung saan sasariwain ang huling hapunan ng Panginoong Hesukristo kasama ang kanyang mga alagad, Biyernes Santo, ang paggunita sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesukristo at ang Linggo ng Muling Pagkabuhay kung saan ito ang itinuturing na pinaka rurok ng mga pagdiriwang dahil sa matagumpay na pagtawid ni Hesus mula kamatayan hanggang sa buhay na walang hanggan.

“We’ll see to it that it would be reflective of a more religious atmosphere rather than tourism atmosphere,” saad ng Obispo.

Noong 2017 naitala ng City Tourism Office ng Baguio ang 1.7 milyong turistang bumisita sa lugar at lumibot sa mga kilalang pasyalan.

Sinabi naman ni Bishop Bendico na sa nakalipas na 2 taon ay unti-unting dumadami ang lumahok sa mga prusisyon na ginanap sa paligid ng lunsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,418 total reads

 78,418 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,057 total reads

 126,057 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,928 total reads

 173,928 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,876 total reads

 277,876 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,332 total reads

 360,332 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top